16

114 10 0
                                    

Nagpapahangin lang ako dito sa balkonahe ng kwarto ni Adrian. Malayang lumilipad ang mga buhok ko dahil sa malakas na hangin. Naramdaman ko nalang na may umakap saakin. Tiningnan ko ito bago yakapin pabalik, kahit kailan gustong gusto ko talaga ang amoy nya

"Anong gusto mong bilhin sa mall? Ipapasabay ko kila Mang Lucio" tanong nito saakin. Wala akong cravings ngayon maliban sa amoy nya. Sinabi ko nalang na bilhan nalang ako ng sketch pad

"Mahal, ano po problem mo?" 

"Wala po, nagpapahangin lang po ako"

"Sure ka po? Baka may prob ka sakin ayusin agad natin"

"Wala nga, gusto lang kitang maamoy"

"Okay sabi mo eh"

Bago siya umalis ay hinalikan muna nya ako sa pisngi. Pagkalabas nya ng kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Shun o mas gusto nyang tawag na Shane

"Yes bhie?" sagot nito sa tawag ko

"Asan kana?"

"Andito na akuz, hinihintay ko nalang na makaalis ang iyung juwa!"

"Sige magaayus narin ako"

"Sige bhie, ba bye"

Pagkatapos ng tawag na yun ay agad akong nagbihis, naka floral dress lang ako, hindi na ako naglagay ng make up dahil maganda na naman ako kahit wala nun

Maraming bantay dito sa mansyon pero ngayon kaunti nalang dahil umalis si Adrian pati ang papa nya, syempre need nila ng tagabantay kaya yung iba ay sumama at ang iba naman ay naiwan dito

Mabilis pero mahina akong naglakad papalabas sa Gate ng Mansion. Paglabas ko palang ay may humintong itim na van sa harap ko, akala ko ba ang dala nyang sasakyan ay kotse?

Biglang may lumabas na mga lalaki mula sa loob ng van bago ako takpan ng panyo sa ilong, dahil sa pagkagulat ay hindi na ako nakapag react. Bigla nalang ako nawala  ng malay pero bago magsara ang mga mata ko ay nakita ko si Shan na papalapit saakin habang sumisigaw

Someone POV

"Ano namang gagawin natin sakanya, boss?" Tanong ng tauhan ko. Nakatingin lang ako sa babaeng ipinalit saakin ng minamahal kong lalaki. Ano bang meron sya na wala ako? Dahil ba sa nagsinungaling ako sakanya kaya nya ako ipinagpalit? O dahil nilandi sya netong babaeng ito?!

"Itapon nyo sa dagat, siguraduhin nyong hindi na yan mahahanap o makakabalik kay Ace!"

"Masusunod po!"

Ipinahanda ko ang yacht ko para gamitin nila pang-dala nila sa babaeng ito sa gitna ng dagat. At kapag nagtagumpay ako sa plano kong ito, doon mapagtatanto ni Ace na ako parin talaga ang mahal nya! Babalik sya saakin! Magkakaroon kami ng nasayang pamilya!

Tinitingnan ko ngayon si Sophia na hinahandang itapon ng mga tauhan ko sa gitna ng dagat. Malaki ang ngiti ko habang pinapanood syang walang malay na inihulog sa dagat

Akin nalang ngayon si Ace, akin lang

AAV POV

Nakangiti ako habang tumitingin sa damit ng pang-baby, excited na ako para sa baby namin ni Sophia, siguro mamimili na kami ng mga damit kapag nag 7 months na si baby

Natigilan lang ako sa pagtingin ng mga damit dahil nay tumawag sakin, nakita kong unregistered yun kaya hindi ko sinagot baka mga scammer lang yan

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now