Chapter 8 - Love or Friendship

18 3 3
                                    

Chapter 8 - Love and Friendship


After four days

July 04, 2019


Alexie Andrea Sanchez

"I Love you....."


Naalimpungatan na lang ako bigla, at tumingin sa kisame. Bakit parang ang lungkot na nung mga panaginip ko? Bakit unti-unting nawawala yung mga araw na puro si Cris? Kinuha ko yung phone ko at nakita ko yung mga message nila Troy at Mateo, simula kase nung araw na umamin sila, iniiwasan ko sila, hindi ko alam ang isasagot o sasabihin kapag nakita ko sila.


Napa hilamos na lang ako ng mukha, hindi ko naman sila maiiwasan lagi, katulad kahapon, nakita ko sila sa Cafeteria tapos tumakbo na lang ako. Bakit ba kasi gusto nila malaman yung sagot ko, ang hirap ng tanong nila. Bumangon na ako para maligo, matapos kong maligo at magayos, lumabas na ako at bumaba, nakasalubong ko agad si Kuya Ley, papunta ng kusina.


"Good morning." bati nito na mayroon napaka laking ngiti sa labi kaya tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan lang niya ako, tumatawa lang siya hanggang sa makapunta kami ng kusina at makaupo sa table.


"Ano problema ng Kuya mo?" bulong ni Mommy sa akin habang karga si baby Ali, nagkibit balikat ako dito.


"Baka nag away sila ni Ate Jen at nabaliw." sabi ko dito at tumingin naman ito sa akin kaya tiningnan ko ito ng seryoso.


"Let's talk." sabi nito at tumayo, lumakad papunta sa swimming pool area. Sinundan ko naman ito, nung makarating kami sa labas, nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at tiningnan ako ng maigi.


"Uuwi na si Ku—"


"Talaga!? Kailan? Magtatagal ba siya dito?" napangiti naman ito at ginulo buhok ko.


"Mukhang magtatagal siya dito, kasi diba nga ayus na iyong kay Lola Lei tapos medyo wala na din naman daw problema iyong kompanya kaya pwede siya magbakasyon ng matagal dito."


"Dahil ba duon kaya ka tumatawa?" umiling ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"That's another business, I want to know." tinaasan ko siya ng kilay, tumingin naman siya sa ibang direksyon at saka nagsalita.


"Umamin daw si Troy at Mateo sa iyo?" sabi nito atsaka siya lumingon sa akin. "Mukhang totoo nga yung balita, your face tell the truth."


"Anong balita? Hindi ko naman—"


"The night, when Troy and Mateo confessed, someone took a video and photos then posted it online, yesterday. Umuwi ka ng maaga kaya hindi mo pa naririnig, I just want to inform you now, that marami ng nakakita nung post kaya maraming taong pinag uusapan ka ngayon."


"So, ano kuya nakakatawa duon?"


"Iniiwasan mo si Troy because of that, natatawa lang ako." napa buntong hininga ako dito.

Sweet Dreams Gracela Trinidad Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon