Chapter 7 - Confession

30 3 2
                                    

Chapter 7 - Confession

After 4 days, June 29, 2019

Alexie Andrea Sanchez

Apat na araw ng hindi maganda panaginip ko, raped, dugo at suicide. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, it feels like real. Sa sobrang totoo, hindi ko alam kung mangyayari ba siya o hindi.


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" napatingin ako kay Daddy, nasa kwarto ako ngayon nag aayus ng sarili para sa gaganaping night party ng University namin.


"Po? Wala naman po, hindi ko lang alam susuotin ko." natawa ito ng mahina at umupo sa tabi ko.


"Kahit anong damit ang suotin mo, lahat bagay sa iyo. Basta wag lang masyadong maganda, baka mawalan lahat ng partner ang mga babae duon." sabi nito at tumawa kaya napangiti ako dito.


"Hanggang ngayon pa din po ba iinisin nyo ako? Hindi ko naman po alam na, ganoon amg react yung mga—"


"Maganda ka kase, Lex. You look an angel, kaya paano walang mangyayaring ganoon." sabi nito, bumalik ulit yung nangyari nung nakaraan.


"Lex, ito oh." biglang sulpot nung lalaki sa harapan ko at sunod sunod na silang nag silapitan.


"Lex, bulaklak."


"Congrats, bilang princess campus ng university natin."


Iyan ang mga sinasabi ng mga estudyanteng lumalapit sa akin habang may dalang letter, bulaklak at kung ano pa.


"Ah...eh... Thank you pero may pu—" hindi ko natuloy yung sasabihin ko nung muntikan na akong matumba pero biglang may naka hiltak ng braso ko bago ako bumagsak.


"Mateo?" tawag ko dito, agad naman ako nitong tinakpan ng jacket niya at sabay kaming umalis.


"Ano meron?" tanong ko dito nung makalayo kami.


"There is so many person, who wants you to congratulate but they crossed the line. Masyadong silang dumami, hindi ko din alam na ikaw agad pupuntahan nila at hindi si Sandy. "


"Huh? Hindi kita masundan."


"All of those men, that is your fan..."


Kaya yung buong apat na araw, nandito ako sa bahay, home school muna. Pinahupa ni Kuya Ley, Troy, Mateo at ni Ma'am Ramirez yung mga 'fans' para daw hindi na daw sila makasakit. Then after four days, nalaman ko mag celebrate ang university para sa mga freshmen at sa bagong queen bee.


"Ano na naman iniisip mo?" napatingin ulit ako kay Daddy.


"Maayus lang po ba yung damit?" tanong ko dito sabay turo duon sa dress na naka hanger. Purple Off shoulder dress, above the knee, mayroon manipis na layered na tela, yung baba may kaunting glitters and a 3 inches na heels.

Sweet Dreams Gracela Trinidad Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon