Chapter 4 - Celebration

26 3 1
                                    

Chapter 4 - Celebration

June 20 2019

Naglalakad ako sa hallway nang may biglang tumawag sa akin at napakit na lang ako ng mata. Ilang araw na ba niya ako iniinis.


"Bakit ayaw mo na ako pansinin?." sabi nito kaya napabuntong hininga ako, simula nung isoli ko yung jacket niya. Ganiyan ginagawa niya, ginulo na niya ako araw-araw, walang oras na hindi niya ako ginugulo. Hindi ko nga alam, kung nag aaral ba ito o hindi.


"Bakit ba ang tahimik mo?"



"Bakit ba ang ingay mo?" pabalik kong tanong sa kaniya at mabilis na lumakad at ganoon din ang ginawa nya.


"Ano ba kase kailangan mo?." pasigaw kong tanong ko dito at huminto, nginitian naman nya ako kaya kinuotan ko siya ng noo.


"Gusto ko lang naman, manood ka ng laban ko. Sa Basketball." sabi nito at binigyan ko lang siya ng 'huh' na mukha.


"I want you, I mean. Gusto ko nanduduon ka.."

"For what?." ngumiti naman siya ng nakakaloko at nilagay ang dalawang palad sa bulsa nya.


"Inspiration....." sabi nito at parang biglang may kung anong gumalaw sa tyan ako at bumilis ang tibok ng puso ko.


"Wag kang kiligin, hindi pa kita girlfriend kinikilig ka na. Paano pa kaya kung tayo na....." sabi nito at iniwan akong gulat sa hallway. What? Anong kalokohan ang gusto nya?

Nag lakad na ulit ako matapos ang ilang minutong pagproseso sa utak ko ng mga sinabi nya, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mandidiri.


"Lex!!." tawag sa akin ni Madz, nang makapasok ako ng classroom namin.

"Bakit?" tanong ko dito, nung makarating na ako sa kaniya at tinuro naman nya yung nasa gilid ko, gamit ang nguso. Lumingon ako at si Troy iyun.


"Ano meron?." tanong ko ulit dito at napabuntong hininga naman siya.


"May laban sila ngayon, need ng support ni Troy. Game ka?." sabi nito kaya 'huh' kailan pa iyan sumali sa mga ganiyan?


"Hay nako, Lex. Hindi ko alam kung sabog ka ba o sadyang lutang ka lang. Kaibigan natin, lalaban ng basketball, suportahan natin." ulit nito kaya tumango ako.

Sweet Dreams Gracela Trinidad Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon