Chapter 12 - Funeral

5 1 0
                                    

Chapter 12 - Funeral

Alexie Andrea Reyes

Nandito lang ako sa kwarto at inaayos ang mga gamit ko. Aalis kasi kami ni Lola Lei, may gusto daw siyang ipakita sa akin and may surprise daw siya sa amin ng mga Kuya ko. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong aksidente, naging homeschool muna ako pansamantala. Hindi pa din nila alam yung about duon sa mga death threats or notes na meron ako, naisip ko kasi maybe, nagkataon lang lahat.


"Enjoy your rest day." sabi ni Mommy kaya tumingin ako dito at ngumiti, maghapon na ako sa bahay tapos magbabakasyon ata kamai nila Lola sa batangas or laguna. Friday ngayon, sa linggo ng hapon daw kami uuwi.

"Mommy, sumama na din po kasi kayo." sabi ko dito pero umiling siya sa akin at hinagod iyong likuran ko.

"Maybe, kapag pwede na si Ali. Masyadong mahaba ang biyahe, baka di kayanin ng energy ko kaya kayo mung magkapatid. Bonding nyo ng lola nyo." sabi nito kay tumango na lang ako.

"Ready ka na ba?" napatingin naman kami sa kakapasok lang na si Kuya Ley. naka beach short siya and naka t-shirt. "Oh?? Ngayon ka pa lang mag aayos?" tanong ulit nito kaya napa iling siya.

"Mukhang mauuna kami." sulpot naman nung isa ko pang Kuya.

"Iinisin mo na naman ako." sabai ko dito pero umiling siya.

"Si Lola Lei kasi nag aayos pa lang din ng mga gamit niya kaya baka kami talaga mauuna." sabi nito at pinakita sakin yung phone niya, ka-video call niya si Lola at inaayos pa nga nito gamit niya.

[Lex! Pa-unahin mo na lang sila, sabay na lang tayo!] sabi nito kaya nginitian ko sila kuya sabay belat.

"Sige na Lola, papatayin ko na. Hihintayin na lang din namin kayo." sabi nito at sabay end call nung video call.

"Tamang attitude, Jacob. Dapat hintayin nyo sila Lex, oh sya! Mauna na ako at aalagaan ko pa yung kapatid nyo." sabi nito at tuluyan ng umalis.

Hindi din naman nagtagal, matapos kong maayos yung mga gamit ko, doon na din dumating si Lola. Pagkababa namin ng hagdan, naabutan namin siya na buhat-buhat si Ali.

"Kumain muna kaya kayo Mommy, para hindi kayo magutom sa byahe niyo." sabi ni Daddy at kinuha si Ali kay Lola.

"Wag na at baka abutan pa kami ng traffic, duon na lang kami kakain sa labas." sabi ni lola at pinalupot ang kamay niya sa braso ko. "Let's go!" sabi nito at hinaltak ako papalabas ng bahay.

"Lola, mauna na kami. Sunod na lang kayo." sabi ni Kuya Jacob, habang nasa sasakyan at duon na sila umalis ng garahe.

"Tara na, marami pa akong ipapakit sa iyo." sabi nito kaya sabay kaming umupo sa backseat.

Hindi pa kami nakaka-labas ng garahe, may nilabas na siyang yearbook. At agad niyang pinakita ang itchura ni Daddy.

"Ngayon, alam mo na kung kanino magmamana yung kapatid mong si Ali. Tapos gusto mo makita yung itchura ng Mommy at Daddy mo?" sabi nito at nilipat-lipat yung page.

"Here." pakaita aniya sa akin. "Alam mo bang lahat ng picture ng biological father mo at ng Mommy mo na magkasama, tinatago niya at yung picture nilang dalawa ng Mommy, iyong dinidikit dito." sabi nito kaya natawa ako.

"They're been friends since high school po diba?" tanong ko dito at tumango siya.

"Yes! At kung gaano katagal yung friendship nila, ganun siya mag-rant sa akin. Like, Mommy sila ni Abra at Anna, tapos iinom iyan, uuwi ng lasing." natawa ako. So, matagal na talagang gusto ni Daddy si Mommy.

Sweet Dreams Gracela Trinidad Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon