Chapter 2 - School Proposal

39 3 0
                                    



CHAPTER 2 – SCHOOL PROPOSAL

Habang nag lalakad ako papunta sa library, may napansin akong may sumusunod sa akin. Huminto ako para tingnan, kung sino yung nasa likod ko. Nagulat ako nang biglang sumigaw ito, napahawak agada ko sa dibdib ko.


"Nababaliw ka ba?" pagkaharap ko dito pero mas nagulat ako, hindi si Troy o si Madz iyun, kundi si Cris?! Yung lalaking napaaway ng dahil sa akin, bakit nya ako sinusundan?


"Bakit mo ako sinusundan? Ano na naman kailangan mo?!" inis na sabi mo dito at naglakad na ulit, kase nung nakaraan, buong maghapon nya ako kinukulit, ang kailangan lang naman pala niya ay yung libro na hawak ko.


"Napadaan lang, tapos Nakita kita and here I am." Sabi nito at ngumiti pa kaya inirapan ko siya pero nagulat ako ng hawakan nya pulupulsuhan ko.


"Bakit na naman?!!" irita kong tanong.



"Sama ako..." he said used his low voice. Duon na bumilis ang tibok ng puso ko.


"Sumama ka kung gusto mo, gusto pa nagpapaalam. Akala mo naman, hindi susunod." Sabi ko dito sabay kaming nag lakad, tahimik lang kaming nag lalaka. Hanggang sa makarating kami sa loob ng library. Nakasunod lang siya sa akin, hihinto ako ganoon din siya.


"May probema k---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang umalis nang walang sinasabi.


"Ano problema nuon" bulong ko at matapos kong mahanap yung aklat, humanap na ako ng upuan, nilagay ang earphones ko at nagsimula na magbasa.


Nagulat ako nang may biglang lumitaw na bulaklak sa gilid ko and it's a red rose.


"Here, for you..." tinanggal ko yung earphones, kinuha ko naman ito at tingnan siya ng nakataas ang kilay.


"Neo michyeoss-eo" ngumiti lang siya sa akin at kinuha agad yung earphones ko.


"No music?" sabi nito kaya kinuha ko aga yung earphones at inirapan siya.


"Hinihintay mo ko noh" sabi nito kaya


"Asa ka!"


"Why there is no music o—"


"Assuming ka lang, puwedeng bang trip ko lang!" sabi ko dito at tumawa naman siya, hindi ko mapigilang ngumiti.


"Ms. Sanchez and Mr. Enriquez!! Get out~~~" sigaw nung librarian. Natatawa kaming lumabas ng library, I love this moment. I feel, I have freedom....


"AAAAAAAHHHH" Sigaw ko, tinakpan naman ni Cris ang bibig ko kaya mabilis ko din naman tinanggal ito.

Sweet Dreams Gracela Trinidad Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon