Chapter 01

122 26 34
                                    


Canvas and Colors.


A blank one, that is how I can describe my life. Never ending blank canvas. There is nothing I have in my life that I can describe that puts any sort of color to my life. Everything is either suffocating darkness or blinding lights. Nothing was enough. My canvas never painted any color, it has no life. Nor does it want to live. My life has been bland and boring, and nothing will ever change that, I thought.


Colors never add well to my life. It's always wrong. I never had the excitement of colors and rainbows. I never had the joy of a colorful childhood. But then when my world lost it's canvas I met him. The color to my dead canvas. Ang tamang kulay sa buhay kong hindi kailan man umayos o lumigaya.


He came, dumating siya noong mga panahong handa na akong ibalik ang 'canvas' ng buhay ko sa lumikha nito. Nagpakita siya and everything was yellow, everything was colors, laughters and... love. Perfect is the perfect word to describe him. He fixed the strokes of my life, he fixed me when I couldn't fix me.


But no strokes can ever stay gentle.


The strokes that painted us together...


Was the strokes that pulled us apart.


***


"Nagugutom ako." bulong ko. 


Agad naman akong hinila ni Iya, "Tara kain tayo, sis, libre mo ha."


Nagpa-anod nalang ako sa kaniya at hindi na nagsalita, pumunta kami sa mga food stalls at nag-hanap ng makakain, may event kasi ang school para sa mga 3rd year students, business subject ata nila, kahit first week palang. 


Tahimik kaming nagi-ikot, maraming guwapo rito, dumog talaga. Punong puno roon sa bandang dulo yung tatlong stalls. Ano ba goal nila? Yung tinda o yung nagti-tinda? Palagay ko ang mga nagti-tinda nga, kasi ang ibang stalls ay hindi puno, 'yong sa mga sikat lang ang puno.


Itong si Iya naman nakipag-siksikan pa sa kanila, pumila kami sa may fries, saglit lang din naman ang pila nang kami na ang kasunod na bibili. Nanlaki ang mata ko nang madaanan namin si Chevy.


Shit! Nakaka-laglag talaga sya ng panty. Napakapit tuloy ako sa waistband ng aking school palda, baka nga malaglag 'to.


"Hi, Iya," he smiled at Iya and looked at me. "Oh, hi there, Ryu, bibili kayo ng fries?"


Iya brushed her hair back, blushing. "Ah oo, Chev, dalawang large sana, nagpapalibre 'tong bestfriend ko eh."


Napakunot ang noo ko. "Huh?" Kyuryosong tanong ko. "Sabi mo ilibre kita?"


"Wag ka nang...." siniko nya ako kaya natahimik na ako.

Cruel strokes of Yesterday (Years Series #1)Where stories live. Discover now