Chapter 17
I was looking at his direction. He was busy talking with Natalia the traitor. Nasa tapat lang sila ng bahay at wala akong magagawa ro'n dahil magkatapat lang naman kami ng bahay ni Zyair.
Hindi ko nga rin alam na sa kaniya pala tumutuloy si Natalia at Tita. Bakit nga ba dapat kong malaman? Ano ba pakialam ko? It's their life that I don't need to meddle with.
I rolled my eyes and gasped when I saw them kissing. What the fuss! Ano ito live show? Crazy people. Tumalikod na ako at pumasok na sa loob ng bahay bago ko pa sila mabato ng bato.
Mygadd! Hindi ko alam na mahilig pala siya sa live show. Bakit nga ulit ako nahulog sa kaniya? I thought he's different from other men but his action only proves to me that they are all the same. Hindi sila mapagkatiwalaan.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay mukha agad ni Mommy ang sumalubong sa akin. May bahid na pagtataka ang kaniyang mukha habang nakatingih sa akin. Ngumiti ako, isang pekeng ngiti.
"What was that face, Alora?" he asked.
"There's nothing wrong with my face, Mommy." Pilit akong ngumiti para itago ang pagkainis ko kanina.
"You sure? You look pissed. Pero siguro namamalikmata lang ako," mahinang usal nito sabay kibit balikat. "Oo nga pala, hindi ka pupunta sa shop?"
I merely shooked my head. "Nope. Hindi ako papasok dahil gusto kong makipag-bonding sa 'yo. Ngayon makagagawa na tayo ng maraming alaala na walang epal dito sa bahay, at masasabi ko talaga na payapa itong bahay natin. Walang epal, walang sinungaling, walang manloloko, at walang reklamador."
All those negative description is for Natalia because its describes her. Siya lang naman kasi ang reklamador dito sa bahay eh, siya lang din iyong maingay at epal. Actually dalawa sila ng Mommy niya na buong akala ko ay nagbago na talaga.
Mommy is right that their character development was fake. They are fake like a plastic trash. I don't wanted to compare to a plastic trash but I can not stop myself because it's true that they are plastic trash. Peke sila... lahat sa kanila ay peke. I wonder his feelings towards Zyair was fake also. It's their plan to make Zyair fall for Natalia just to get the money she wanted. Ano pa nga ba diba? Once a fake is always be a fake.
Time swiftly passed by. Pumunta kaming dalawa ni Mommy sa salon para magpaayos ng buhok at magpakulay. Magpapa-manicure at pedicure na rin.
"After this where we should go, Mom?" I asked Mommy.
Napatingin sa gawi ko sa Mommy. Ngumiti siya at alam ko na agad kung saan. Syempre sa favorite spot naming dalawa... sa pinupuntahan namin tuwing lumalabas kami para gumala. That place is in the cinema. Yes, we love to spend our day in the cinema to watch our favorite movies. Lalong-lalo na ngayon ay lalabas iyong paborito naming movie which is The girl in the green hoodie. Sobrang ganda ng movie na ito at nakakaiyak din dahil sa pinagdaanan no'ng girl.
Nandito kami ngayon sa cinema, sa bandang likuran dahil puno na sa unahan at ayaw ko rin naman umupo sa unahan dahil naasiwa ako. I am a far sighted, I can't see anything when I am near. I mean nakikita ko naman siya kaso blurred.
I was focus on watching the drama not until someone caught my eyes. I saw two person entering the cinema, they're holding a popcorn and 2 drinks. What the hell! What are they doing here? Nanadya ka ba talaga tadhana? Ha? Lumalayo na nga ako pero... pero bakit hangang dito ba naman ay pinagtatagpo mo pa rin iyong landas naming dalawa? Kingina! Ano ito joke? Circus?
Yes, it's Natalia and Zyair.
I let out a heavy sigh. I looked away and focus myself on watching the movie. Hangang sa matapos ang movie ay nakatuon lang ang tingin ko sa dalawang tao na naglalampungan sa harapan. Oo, hindi ako nakapokus sa panunood dahil nakatuon lang ang tingin ko sa dalawang bwisit na nasa harapan ko. Tangina! Hindi naman ito lounging house para maglandian sila. Mygadd! This is a cinema not a lounging house!
Napabuga ako ng marahan na hangin nang tuluyan na kaming makalabas ng cinema ni Mommy. Bakit ako mag-stay sa loob kung may mga epal ro'n? They're annoying as fuck!
"Akala ko ba andito tayo para magsaya pero... pero bakit hindi ka naman masaya?" tanong ni Mommy.
Napatingin ako sa gawi ni Mommy na ngayon ay nag-aalala ang mukha habang nakatingin sa akin. Mapakla akong ngumiti sa kaniya. "I'm happy, Mo—"
"Please! Don't lie to me, Alora. I know you are not..." Napatingin si Mommy sa dalawang tao na kakalabas lang ng cinema. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zyair ngunit ako na naunang bumitaw sa tinginan naming dalawa. I can't look at his eyes. Nanghihina ako tuwing tumingin ako sa mga mata niya.
I let out a deep sigh before turning my back and walk like I did not see them. Hindi sila mahalagang tao para mapansin. Anong pakialam ko kung magkasama sila? Edi magpakasal sila masaya... magsama pa sila hangang mamatay. Syempre joke lang iyon 'no.
Hindi naman ako masama para hinilingin na mamatay sila.
"He's the reason right?"
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin kay Mommy. Umiling ako at ngumiti. "Hindi at hindi ako magiging ganito sa isang lalaki lang, Mommy."
"The last time you've been like this when..." Tumigil muna siya sa pagsasalita at malalim na tinignan ako sa mata. Napaiwas ako ng tingin dahil sa sunod niyang sinabi. "You and Trey broke up."
"Stop mentioning his name, Mom. I don't want to talk about that man—his not a man because his a boy who's never be contented in one woman."
"Alora!"
"Totoo iyon, Mom. Hindi siya nakontento sa akin kaya naghanap siya ng iba. Hindi ako enough para sa kaniya..." I let out a deep sigh. "Let's just eat. I don't want to talk to him. We are here to make some memories and I don't want us to argue."
Mas mabuti pang kumain na lang ako para mawala itong inis na nararamdaman ko ngayon. It's really pissed me off when I saw them, when I feel their presence.
Pumasok kami ni Mommy sa isang fast food chain, Mcdonalds. We love to eat in a fast food chain lalong-lalo na sa Mcdonalds. Ewan ko nga kung bakit ayaw namin ni Mommy kumain sa isang expensive restaurants eh.
"Mom, ano sa iyo?" Tanong ko habang tumingin do'n sa menu.
Umangat ang tingin niya sa menu bago tumingin sa akin. "Isang large burger, Mc Float at Mc Spaghetti."
A happy smile formed on my lips. "Alright. Hintayin mo na lang ako sa table natin."
Tumango lang si Mommy bilang sagot sa akin. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa isang bakanteng table. Nag-order na ako ng pagkain namin ni Mommy. Iyong pagkain ni Mommy at pagkain ko. As usual isang Mc Sundae at Mc Spaghetti lang din naman ang kinakain ko.
"Thank you for coming, Ma'am. Enjoy your meal!" I just smiled at them as an answer.
Tumalikod na ako at naglakad patungo sa table namin ni Mommy dala-dala iyong pagkain namin na nakalagay sa malaking tray. Nang paupo na sana ako sa aking upuan ay nahagip ng mata ko sila Natalia at Zyair papasok ng Mcdonalds.
Ano na naman ba ito? Tadhana, nanadya ka ba talaga? Iniinis mo ba talaga ako? Nakakainis na! Nakakabanas na. Saksakin mo na lang ako, Tadhana!
YOU ARE READING
SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE (Single Ladies Series #1, A Collaboration) Alora Flinn Sighn is a passionate, straightforward woman walking on earth. After her so called painful break-up, she never believed in love again. For her, being s...