Chapter 8
Are you serious? Gagawin mo akong janitress dito sa shop mo? Pinsan mo ako, Alora!" reklamo nito.
I gasped and roll my eyes. "Ano naman ngayon kung pinsan kita? Magsimula ka sa pinakamababang position. Ipakita mo sa akin na deserving ka ba talaga na iatas sa mataas na position. Hindi porke't magkamag-anak tayo ay bias na ako? No! Hindi ako gano'ng tao, Nat."
Nagsimula ako sa mababang position. I work hard bago ko narating ang buhay na mayroon ako ngayon. After the break up happened to me 5 years ago, naghirap kami. Iniwan kami ng magaling kong tatay dahil sumakabilang barangay na ito. Walang-wala kami noon, may sakit si Mommy at hindi ko alam ang gagawin ko noong una. But later on, I already accepted that this is life. Hindi lahat ng nasa taas ay mananatili sa taas at hindi lahat ng nasa ibaba ay mananatili na lang sa baba. Gumawa ako ng paraan para umangat sa buhay... para magkaroon ng marangyang buhay. Hindi gano'n kadali ang hirap na pinagdaanan ko bago ko narating kung anong mayroon ako ngayon.
"Alora!"
"Kailangan niyo ng pera diba? Then be contented on what I'm giving to you. Three months lang ang binigay ko sa inyo kaya magtrabaho ka, magbalat ka ng buto. Hindi ka magiging mayaman kapag puro kaartehan ang paiiralin mo." Pangaral ko sa kaniya. "Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Nat. Tinuturuan lang kita mabuhay na naayon sa estado ng buhay."
Agad ko na siyang iniwan sa storage room. Kami lang ang nando'n kaya walang nakakarinig sa amin. Hindi naman ako gano'n kasama para ipahiya siya sa maraming tao.
I maybe mad at them but I am not that bad.
Bahala siyang mag-inarte diyan. Basta ako binigyan ko siya ng trabaho at tinupad ko iyong usapan namin ni Mommy. Ang usapan ay bigyan ko ng trabaho si Natalia at hindi ko naman sinabi kay Mommy kung anong position. For sure, pagka-uwi ko mamaya ay magtatalak na naman si Tita Shane. Magtatalak siya tungkol sa trabahong binigay ko sa anak niya. She must be thankful dahil binigyan ko ng trabaho ang anak niya kahit maarte ito.
"Oh anong reaction ng maarte mong pinsan?" tanong ni Patricia sa akin ng makapasok ako sa opisina niya.
Umupo ako sa maliit na cougch.
"As usual nag-iinarte." Napairap ako sa hangin ng maalala ko na naman ang pagreklamo niya.
"Bakit mo kasi ginawang janitress? I mean puwede naman siya sa counter," mahinang usal ni Pat. I laughed sarcastically. "Counter? Hindi siya puwede ro'n dahil ang bagal niya kumilos. She must be thakful dahil naging mabuti pa akong pinsan sa kaniya. Kung tutuusin ay hindi na dapat."
"You have a point but you think, kaya niya ang trabaho bilang janitress?" Pat asked me. "I mean she's maarte and mabagal."
"Ewan." I shrugged my shoulder. "Maybe she can do it naman." Sinandal ko ang ulo sa headboard ng couch at tumingin sa ceiling. Nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Sana all may isip. Jk.
I was just thinking kung tama ba talaga ang ginawa ko kay Natalia. Ginawa ko siyang Janitress kahit hindi ito marunong sa gawaing bahay. Lumaki kasi siya sa buhay prinsesa. Hayss! Ano ba! Ang bilis mo naman makonsensiya, Alora! Huwag ka naman ganiyan.
YOU ARE READING
SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️
Literatura KobiecaPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE (Single Ladies Series #1, A Collaboration) Alora Flinn Sighn is a passionate, straightforward woman walking on earth. After her so called painful break-up, she never believed in love again. For her, being s...