Special Chapter (Zyair's POV)

142 1 0
                                    

Special Chapter

Zyair Aeon's Point of View

I remember the first time I saw her, she was crying in the garden alone. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin ngunit natatakot ako na baka ayaw niya akong kausapin o baka sabihin niyang feeling close ako. At isa pa may boyfriend siya at iyon din ang pumipigil sa akin upang lapitan siya.

"Do you know her?" Tanong ni Brylle habang tinuturo ang babaeng umiiyak sa hindi kalayuan.

Tumango ako at sumagot. "Yea, she is a friend of my cousin, Patricia. Hindi ko nga alam kung bakit siya umiiyak."

"Bakit hindi mo lapitan?" Tanong nito.

Umiling ako. "Ayaw kong ma-issue, Brylle. May boyfriend iyan at baka alam mo na."

Mahinang tumawa si Brylle sa aking sinabi. Ngunit agad din siyang tumigil nang makita niya ang reaksiyon ko. Isang masamang tingin ang ginawad ko sa kaniya.

"I am serious here. Ayaw ko lang na mag-away sila ng boyfriend niya."

"Kung sabagay," pagsang-ayon nito sa akin habang tinapik-tapik ang balikat ko.

Simula no'ng araw na iyon ay palagi ko na siyang nakikita sa Garden. Minsan mag-isa siya at minsan naman ay kasama si Patricia. Pero ang madalas ay mag-isa siya at palagi na lang siyang umiiyak.

Favorite spot niya ata ang lugar na ito. Dito siya nagtatago para umiyak pero ang hindi niya alam ay may nakakakita sa kaniyang pag-iyak at paglabas ng sama ng loob. Saksi ako palagi sa pinagdaanan niya.

"What do you mean na wala na sila ng boyfriend niya, Pat?" Gulat na gulat kong tanong sa pinsan ko.

She hissed. " Could you please stop asking? Nairita ako tuwing naalala ko ang ginawa ng lalaking iyon sa kaibigan ko."

"What did he do to your friend?" I asked but this time my jaw clenched and my fist tighthened.

"Huwag ka na magtanong. Naiirita ako promise!" Sabi nito at iniwan akong mag-isa rito sa living room.

It's been a week since Patricia and I have talked. Andito ako ulit ngayon sa garden hinihintay si Alora na dumating dito. Ngunit nabigo ako dahil ni anino niya ay hindi ko nakita. Hindi ko mapigilan ang sarili na maging malungkot. She didn't come maybe she is okay now.

I let out a deep sigh. Ano naman ngayon kung hindi siya dumating diba? It's not a big deal.

Nanlulumong umalis ako sa garden at bumalik na lang sa classroom. Doon na lang ako iidlip dahil vacant naman namin at walang teacher sa susunod na subject.

"Oh bakit nakabusangot ka? Hindi mo nakita crush mo?" Salubong sa akin ni Brylle sa entrada ng classroom.

Isang masamang tingin lang ang binigay ko sa kaniya at nilagpasan na siya. Umupo na ako sa aking upuan at yumukod. Pinikit ko na ang aking mata at hindi pinansin si Brylle na tawang-tawa sa tabi ko.

Tsk! Siraulo. Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko ang lalaking ito.

Days, weeks and months had passed. Hindi ko na nakita si Alora rito sa campus. I've asked Patricia but she won't tell me where her friend is.

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now