Chapter 6
Days, weeks swiftly passed by. Ito na ang simula ng pagpapatayo sa ika-limang branch ng Blend and Sweetness Cafe. Masaya ako, sobrang saya dahil madadagdagan na naman ang BandS families. Pamilya na ang turing ko sa mga staff ng blend and sweetness. Kung anong mayroon sa akin ay ibibigay ko rin sa kanila. Mahal ko sila katulad ng pagmamahal nila sa kanilang trabaho.
"Nak!" Mommy called me.
Umangat ang tingin ko kay Mommy.
"Kailan ka ba mag-aasawa? Bigyan mo na ako ng apo."
Napaubo ako sa sinabi ni Mommy. Jusko! Asawa? Apo? Wala pa sa isip ko 'yan. Wala pa ng akong boyfriend, asawa na agad? Jusmeyo!
"Oh bakit ganiyan ang reaction mo?" tanong ni Mommy. Naglakad siya patungo sa akin, sa aking tabi. Hinawakan niya ako sa balikat. "Malapit ka nang mag-twenty five at kailan mo balak mag-asawa?"
I turned my face away from her and took a deep breath. "Ma! Kung apo lang ang hinahanap mo, I can give it to you. Mag-aampon ako."
"Nak, hindi madali ang mag-ampon. Hindi mo ba gustong magka-anak? Sarili mong dugo...sarili nating kadugo?" tanong ni Mommy sa akin.
Mommy had a point. Hindi madaling mag-ampon, at gusto ko rin naman magkaroon ng sarili kong anak. Pero paano? Natatakot ako makipag-commit sa isang relasyon. Although having a baby is a big responsibilities. Hindi siya bagay na puwedeng iwan kapag napagod o kapag nawalan na ng gana. Dapat kung may anak ka ay dapat hands on sa pag-aalaga. So how could I do that if I'm busy? Busy ako sa works, busy ako sa lahat ng bagay.
"You're turning 25, at hindi pa huli para makahanap ka nang taong magmamahal sa 'yo ng tunay. Life is not about money, life is all about searching your purpose, and your purpose is to find your man," Mommy uttered. "That man will come in the right time, and that time will come? Don't push your man away from you."
Don't push my man away from me? What if there's no man for me? Walang taong nakatadhana sa akin para magseryoso? Paano lahat ng taong darating sa buhay ko ay sasaktan at lolokohin lang din ako katulad ni Trey? I can't risk. I'm tired on risking. Nakakapagod ng sumugal dahil puro pasakit lang naman ang makukuha ko.
"Love comes in the right time, Mom. Walang lalaki na mag-stay sa isang babae lang, lahat sila may reserba. Natatakot akong sumugal sa pagmamahal. Nasaktan na ako once at ayaw ko nang masaktan pa ulit." Humarap ako kay Mommy. "We have the same fate, Mom. He left you and my man betrayed and fooled me."
"Hindi lahat ng lalaki ay pareho. Lahat ng tao ay magkaiba, Nak," wika ni Mommy.
"Yeah right. Magkaiba sila... magkaiba ng agenda."
Mommy let out a sharp breath. "Nak, give yourself time to be happy."
"Mom, I'm happy. Masaya ako sa ginagawa ko. Mas gugustuhin ko pang magpayaman at magpatayo ng maraming business kaysa makipag-fling sa mga taong walang kwenta." I withdrawed a long breathe. "If may darating, I'll give him a chance. Kung wala? Edi wala." After that, I shrugged my shoulder.
"Fine! Pero hindi ka bumabata... ang pagiging mayaman ay andiyan lang iyan. Pero ang pagkakataon na magkaroon ng pamilya ay nawawala." Tinapik ni Mommy ang balikat ko bago ako tuluyang iwan sa terrace.
Nakatingin lang ako sa kalangitan na punong-puno ng bituin. Ngunit sa isang bagay lang nakatuon ang paningin ko. Sa buwan.
The moon is my comfort zone. Tuwing tumitingin ako sa buwan ay nawawala na iyong kalunglutan ko. The moon give me hopes to fight my every battle in life.
YOU ARE READING
SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE (Single Ladies Series #1, A Collaboration) Alora Flinn Sighn is a passionate, straightforward woman walking on earth. After her so called painful break-up, she never believed in love again. For her, being s...