*Bahay*
Naku....!!!!grabe talaga ang nangyari ngayong araw na 'to.Akalain mo yun,ang crush kong snob, friend ko na..Yiiipeee..^______^
Ang saya saya ko talaga.Hahahaha=DPara na nga akong tanga dito na pa gulong gulong sa kama.hihihi^_^v
Teka nga.Anong oras na ba?
Matignan nga.
Oh!..alas 6 palang pala.
Bumangon na ako at bumaba ng hagdan.Napagpasyahan ko kasing maglakad lakad muna.ahehe..
"Ma,labas po muna ako.ah."paalam ko kay mama na nasa kusina.
"Nak, maggagabi na , baka mapahamak ka."sabi ni mama na halatang nag-aalala.
"Naku si mama talaga oh,,hindi naman po ako lalayo ma.At tsaka babalik din po ako kaagad 'wag po kayong mag-alala.Gusto n 'yo hiramin ko muna ang aso ng kapitbahay natin para may bantay ako?^_^"
"Hahahaha.Naku ikaw talaga,sige na,'wag masyadong magtagal ah..kakain pa tayo pagbalik mo."-mama
"Hihi.Opo."^_^
Lumabas na ako ng bahay at kasalukuyan na ngayong naglalakad lakad mag-isa.
Oo,mag-isa.Hindi ko na kase hiniram yung aso ng kapitbahay namin eh,*3* 'di kase kami close at tsaka baka kagatin pa ako nun ng wala sa oras.
Kaya thanks nalang.^_^v
Kakalakad ko ay nakarating ako sa 7eleven kaya pumasok muna ako sa loob at bumili ng ice cream.=)
Habang kumakain ako ay napatingin ako sa labas at nakita kong madilim na pala.
"Naku...gabi na pala..di ko agad namalayan ah."nasambit ko nalang bigla.
Sa paglalakad lakad ko kanina 'di ko na namalayan ang oras.Napatayo nalang ako bigla at nagmamadaling lumabas.
"Lagot ako kay mama nito panigurado.Hay."
>3<
Kasalukuyan ko ng tinatahak ang daan pa uwi sa amin ng may maramdaman akong sumusunod sa akin.Tumingin ako sa likoran ko para makasigurado at paglingon ko ay mayroon ngang dalawang lalaki na nakasunod sa 'kin.Pero binaliwala ko nalang,malay ko ba kung pareho lang talaga kami ng daraanan.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapansin kong wala ng tao sa paligid maliban sa dalawang lalaki sa likoran ko.
Dun na ako nagsimulang kabahan.
Binilisan ko ang paglalakad ko pero napansin ko ring bumibilis din yung paglalakad nung mga lalaki.Kinakaban na ako.Ngayon sure na talaga ako na ako yung sinusundan nila.
Ngayon ay sa harapan lang ako nakatingin,natatakot na talaga kase ako eh.
"Miss, ba't ba nagmamadali ka?"
Narinig kong sabi nung isang lalaki kasabay nun ay ang paghawak n'ya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
ANG CRUSH KONG SNOB
Teen FictionNaranasan n'yo na bang hindi mapansin ng crush n'yo?? Siguro,maraming magsasabing "Oo". Pero,paano kaya kung ang crush mo,eh..snobero?? May pag-asa pa kayang mapansin ka n'ya?