*Allison's POV*
Grabe ang feeling ko hanggang ngayon.Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kagabi.At dinagdagan pa na sinundo na naman ako ni Renz sa bahay kanina.
Hay,grabe.
"Looks like ang saya saya mo ha?"
Bigla akong napatigil sa narinig ko.
'Heto na naman tayo.'
Humarap ako at nakita ko ang the five lady suitors ni Renz.Hahaha.Yun na nga pala ang tawag ko sa kanila pero of course,akin-akin lang yun baka kasi ma highblood sila pagnalaman nilang yun ang tawag ko sa kanila.(^_-)
Teka,alam ko na nga pala yung pangalan nila.Si Maira,s'ya yung lider nila,yung singkit naman ay si Sia,si Donna naman yung sobrang tangkad,tapos andyan pa si Lindsay at Shara.Ngayon nga ay nakataas na ang kilay ni Maira sa'kin.
"Bakit,masama bang maging masaya?"
Lalo namang tumaas ang kilay ni Maira sa narinig n'ya."Well---" Sabay cross-arms n'ya.
"---it depends lalo na kung ikaw itong nagsasaya."
"Right.T'saka ano 'tong narinig namin na may nakakita raw sa inyo ni Renz na magkasama kanina sa parking lot,huh?"Singit naman agad ni Sia.
'Ang bilis namang kumalat ng balita napaghahalataan tuloy na marami na talagang mga---ahem--no comment nalang,ayaw kong maka hurt.'
" Teka nga lang.Ano ba ang issue kong magkasama kami ni Renz?"Lakas loob kong tanong sa kanila.
"Magkasama nga kayo!?" Napalakas naman tuloy ang boses ni Maira
"Alam mo kung anong mali?Mali,na ang kasama ni Renz ay isang katulad mo lang.You are just a nobody and you don't fit in his world.Renz deserves the best,only the best.Mahiya ka naman."
'Ouch!Tama nga naman,Renz deserves the best pero ang sakit naman nilang magsalita.Ang gusto ko lang naman sana nung una ay ang makilala ako ni Renz pero hindi ko inexpect na ganito pala ang magyayari.'
"O,bakit di ka makapagsalita?Natamaan ka ba?Poor girl,nasaan na yung tapang mo ha?" Tapos bigla nalang silang tumawa.
Tumakbo ako para di ko na sila marinig.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakarating ako sa rooftop.
Naiinis nga ako sa tubig na pumapatak ngayon mula dito sa mata ko.Bakit ba pumapatak sila?Namimiss ko na tuloy yung bestfriend ko.Nasaan na ba yun?Siguro nag-absent na naman kasi di ko makita-kita.Kung kailan ko naman s'ya sobrang kailangan saka pa s'ya wala.
"Hmfff..hmff..Nakakainis naman kayo." Sabay pahid ko nung mga luha ko.
"Here."
'Oh,sino yun?Hindi naman siguro momo yun,ang aga aga pa e.'
Hindi ko kasi nakikita dahil nakayuko ako tapos agos pa ng agos yung luha ko.Pinunasan ko na nga muna.
'Ano 'tong nasa harapan ko?'
"C'mon."
Pero nung hindi ko pa rin kinuha yung ini-abot n'ya ay naramdaman ko nalang na may dumampi sa mukha ko.Pinapahid n'ya yung mga luha na nasa mukha ko.
'Panyo pala yun.'
At mas lalo tuloy akong naiyak ng dahil sa ginawa n'ya.
'Renz naman.'
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Maira na I'm just a nobody and Renz deserves the best.
Ang layo pala talaga ng agwat namin.
"Don't mind them.They are not worth your tears."
"R-renz,hmfff--bakit kaya sila ganun?" Tanong ko sa kanya.
Mas mabuti na siguro tong may mapagsabihan ako kasi kung sosolohin ko lang to baka sumabog nalang ako bigla.
Hindi n'ya ako sinagot kaya nagpatuloy lang ako.
"Kapag normal ka lang ibig sabihin ba nun ay hindi ka na pwedeng mangarap?Bawal ba na kahit minsan lang ay sundin mo naman kung ano ang makakapagpasaya sayo?Bawal ba ang lumapit sa mga tao na s'yang dahilan ng kaligayahan mo dahil lang sa estado n'yo?Bakit naman ganun." Napahikbi nalang ako pagkatapos kong sabihin yun.
Nakita kong naglakad s'ya papunta sa dulo ng rooftop.Ipinasok n'ya sa bulsa n'ya ang kanyang mga kamay.
"If you would listen to them,masasaktan ka lang.You know Alli,we cannot pleased everybody.May mga tao talaga na kahit pa ano ang gawin mo ay di ka magugustuhan.Kaya kung may gusto kang gawin as long as it's not bad and as long as it makes you happy,then do it.Don't ruin your life just because of their words and never allow them to push you down.Fight Alli."
Yun lang at lumapit s'ya sa akin at ibinigay yung panyo n'ya na may naka engraved pa talagang pangalan n'ya at umalis na s'ya.'Fight Alli.'
Yan ang katagang tumatak sa isip ko."Thank you,Renz."
Sabi ko sabay punas ng natitirang luha ko.__________________________________
"I've learned that people will forget what you said,people will forget what you did,but people will never forget how you made them feel."
~Maya Angelou
~~~~~
A/N
Hi,po.Sorry at ngayon lang ako nakapag-update.Thanks nga pala kay _deniyel at Itsmeleey.
At thank you rin sa lahat ng sumusuporta at nagbabasa ng #ACKS...Thanks guys.😘😘😘
~belle_sky
~LAM
BINABASA MO ANG
ANG CRUSH KONG SNOB
Teen FictionNaranasan n'yo na bang hindi mapansin ng crush n'yo?? Siguro,maraming magsasabing "Oo". Pero,paano kaya kung ang crush mo,eh..snobero?? May pag-asa pa kayang mapansin ka n'ya?