Nandito na kami ni Renz sa paaralan at infairness sa kanila ha...para silang nakakita ng hindi kanais nais na bagay.Paano ba naman kase...may kasama lang naman si Renz Garcia na Diyosa ay este babae pala at yun ay walang iba kun'di ako lang naman.
'"Bakit sila magkasama ni Renz?"-Girl 1
"Oo nga.Sino ba s'ya?Akala mo naman kung sinong maganda!"-Girl 2
"Naku,baka naman nakisabay lang yan para mahawaan ng pagka-famous ni Renz."-Girl 3
Wow ha!Kung makapag-comment naman sila wagas.At t'saka,naku ate ha!Ang ganda ko kaya.
Makapagpaalam na nga muna kay Renz at ng makalayo-layo muna ako sa mga matatalim na tingin ng mga tao rito."Um,,Renz,mauna na ako sa'yo.At salamat nga pala sa pagsundo at pagsabay sa'kin ha?"-sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Tumango lang s'ya at ngumiti rin naman sa'kin.Tumalikod na ako at tuluyan na sanang aalis ngunit bigla akong napahinto at napalingon sa kanya ng tawagin n'ya ang pangalan ko.
"Hatid na kita mamaya,Ali."-Renz
"Naku,baka maka-istorbo pa ako sa'yo Renz."-pagtanggi ko, pero sa totoo lang gustong gusto ko sanang pumayag kaso nakakahiya nga lang.
"No.I insist.Basta ako ang maghahatid sa'yo pa-uwi."-pagpupumilit n'ya.
Napatango na lang ako sa sinabi ni Renz at tumalikod na.Baka kasi 'pag nanatili pa akong nakaharap sa kanya ay makita n'yang namumula na ako dahil sa kilig dito.
(>.<)
--
Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom ko at habang naglalakad ay may bigla akong napagtanto.
'Bigla yata kaming naging malapit ni Renz sa isa't -isa at nakikipag-usap na s'ya sa akin kahit na may ibang tao.Anyare?-?'
Naku.Bahala na nga, basta ang mahalaga ay malapit na ako sa crush ko at feel ko na may chance na talaga ako kahit papano.Bihira lang kaya makipag-usap si Renz lalo na sa mga babae kaya ang swerte swerte ko.(*#*)
Tuloy tuloy lang ako sa aking paglakad habang abalang nag-iisip at nang paliko na sana ako sa may hallway bigla nalang may humila sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa isang bakanteng classroom sa may bandang dulo nitong building.Medyo mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso ko at kitang kita ko ang pamumula nito.At dahil medyo nasasaktan na ako kaya ang ginawa ko ay binawi ko ang braso ko.Hinimas himas ko ito,sabay dahan dahang tumingin sa kanila.
Ngayon ay kitang kita ko ang mukha ng limang babae na nakapalibot sa'kin ngayon.Yung babaeng humawak sa braso ko kanina ay may seryosong mukha,maputi at mga hanggang balikat n'ya lang ako.Sa tabi n'ya naman ay nakatayo ang dalawang babae.Mestiza at may singgkit na mata yung babaeng nasa kanan n'ya habang yung nasa kaliwa naman ay maganda at matangkad din.Napadako naman ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko ngayon na nakataas ang kilay.At pansin ko rin ang babae na nasa likoran n'ya.
"So,ikaw pala yung babaeng sinasabi nilang napapalapit kay Renz?" Sabi nung babae na nasa harapan ko at sa palagay ko'y s'yang lider ng grupo nila.
Sa tingin ko, away lang talaga ang mapapala ko kung papatulan ko sila kaya sa halip na sagotin ang tanong n'ya ay pinili ko nalang na talikoran s'ya at umalis nalang sana.Ngunit nakakailang hakbang palang ako ng may humila na naman ulit sa'kin.
(Wow!Uso hilahan ngayon guys??...Hilahan ng jowa.Hahaha.=D
Waley.Ok tama na nga. )
"Wow!!ha!!Ang lakas din naman talaga ng loob mo para talikoran si Maira." sabi nung babaeng singkit.
"Yeah,right!Sino ka ba sa akala mo?Hindi porket malapit ka kay Renz,ibig sabihin ay katulad ka na rin n'ya.Come on,girl.Wake up!"dagdag pa nung babaeng matangkad.
"Alam n'yo?Ayoko ng gulo kaya kung pwede lang sana ay tantanan n'yo na ako."
"Talaga?Ayaw mo ng gulo?Well,madali lang naman akong kausap."sabi nung lider nila sabay lapit pa sa'kin "Just stay away from Renz and everything will be alright.Got it?"pagkatapos ay nag smirk s'ya.
"Ok that's all I wanna say for now.Come on girls."
Pagkatapos n'yang sabihin yun ay umalis na s'ya kasunod nung mga kasama n'ya.
'Hay...Ano na naman ba itong napasok ko.Ang hirap talaga mapalapit sa mga gwapo.Marami nalang umaaway sayo kahit wala ka naman talagang ginagawa.)
"Ano ng gagawin ko ngayon.Lalayuan ko ba talaga s'ya?E bakit ko naman s'ya kailangang layuan,e wala naman akong ginagawang masama.(*3*)" Naguguluhan na talaga ako.
Tapos bigla kong naalala yung usapan namin ni Renz kanina:
"Hatid na kita mamaya,Ali."-Renz
"Naku,baka maka-istorbo pa ako sa'yo Renz"
"No.I insist.Basta ako ang maghahatid sa'yo pa-uwi."
_______________
Naku ano ba 'to...(>_<)
Bahala na nga.
__________________________________
"When your life is being threatened there's an instinctive urge to fight. You fight for the time you have, for your relationships."
-Laura Linney
~~~~~
A/N
Um,I just wanna say "thanks" to namienamix for the nice cover.=)
BINABASA MO ANG
ANG CRUSH KONG SNOB
Teen FictionNaranasan n'yo na bang hindi mapansin ng crush n'yo?? Siguro,maraming magsasabing "Oo". Pero,paano kaya kung ang crush mo,eh..snobero?? May pag-asa pa kayang mapansin ka n'ya?