(Allison's POV)
Nagpapahinga na ako ngayon dito sa kwarto ko.At ilang araw na rin ang lumipas simula nung pangyayaring yun.
At napag-isip-isip ko na.
Tama pala siguro talaga yung kasabihang..mothers knows best noh?
Hay...sana pala talaga sinunod ko nalang si mama nung sinabi n'yang 'wag ng lumabas.
Tignan n'yo tuloy, 'di na ako nagpapagabi sa daan at natatakot na akong maglakad mag-isa.Kaya nga palagi akong naghahanap ng makakasabay t'wing uwian na.
Hay,naku.Grabe na talaga ang panahon natin ngayon.Marami na ang maluluwag ang turnilyo sa ulo.(>3<)
Tsk.
Mabuti pang matulog na muna ako.
May pasok pa naman kami bukas.
_________________________
=Kinabukasan=
"Anak,gumising ka na."-mama
"Ma........5 minutes pa po."sabi ko.
"Naku,mahal na prinsesa hindi po pwede sapagkat may gwapong prinsepeng naghihintay sa'yo sa baba."-mama
"Ma,naman..wala namang prinsepe dito at t'saka antok na antok pa po talaga ako."-sabay yakap sa unan ko.
"O,sige na,sabihin na nating wala ngang prinsepe sa baba pero may isang gwapong lalaki dun na naghihintay sayo.Pero dahil nga sa inaantok ka pa, sasabihan ko na lang s'yang mauna na at 'wag ka nalang intayin dahil nga inaantok ka pa.Sige anak,matulog ka ng mahimbing ah.^_^"-pagkatapos sabihin yun ni mama ay naglakad na s'ya palabas ng kwarto ko.
Ano daw yun?Gwapong lalaki?Naghihintay sa baba?
May gwapong lalaki na naghihintay sa akin sa baba?
O_O
'Wag mong sabihing si...
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa naiisip ko.
"Mama, sandali lang.Sino daw po yung lalaking nasa baba?"-tanong ko kaagad kay mama.
"O,bakit bumangon ka na anak?Diba inaantok ka pa?"- may bahid ng panunukso dun sa tinig ni mama.
"Ma,naman e.(>3<)Sino nga po kasi?"
"Malalaman mo rin mamaya.Kaya ikaw kumilos ka na at bumaba ka na rin pagkatapos mo ah.Bilisan mo at may gwapo nag-aantay sa'yo."-pagkatapos sabihin yun ni mama ay umalis na nga s'ya.
At ako naman ay nagmadali na nga akong kumilos.
Takbo papunta sa cr.................
Ligo.................................
Bihis......................
Konting arte sa katawan.................
At maya maya pa ay takbo na papunta sa baba.
Grabe nag ala flash ako dun ah.
___
"Oh, anak ang bilis mo ah."-mama
"'Hindi naman ah."-mabilis kong depensa kay mama.
"Medyo lang po."-dagdag ko.
"Okay.O,halika ka na dun sa kusina at nandun na rin yung sundo mo dun."-mama
"Bakit po nandun s'ya?"-nagtataka kong tanong.
Kasi diba,karamihan 'pag naghihintay sila ay dun sila sa sala.Pero,bakit yung sa akin nasa kusina?
BINABASA MO ANG
ANG CRUSH KONG SNOB
Teen FictionNaranasan n'yo na bang hindi mapansin ng crush n'yo?? Siguro,maraming magsasabing "Oo". Pero,paano kaya kung ang crush mo,eh..snobero?? May pag-asa pa kayang mapansin ka n'ya?