7

69 6 0
                                    

Monday na bukas, and I'm excited na bumalik na ulit sa university even though marami parin talaga ang galit sa ginawa ko kuno. Psh!

Buong maghapon nasa bahay lang ako. Hindi ako lumabas kanina dahil nandito si Lola.

"Lai, lagi mong tatandaan lahat ng mga sinabi ko sa'yo." Bilin ni Lola. Kanina pa niya sinasabi na huwag akong magtatanim ng galit.

"Opo, La. Hindi ko naman po kinalimutan 'yong pangaral na sinabi niyo ni Lolo." Sagot ko. Ginulo naman niya ang buhok ko saka tumayo.

"Mainam. O'siya sige, magpahinga ka na at ako ay uuwi na rin." Sabi nito saka tumayo.

Kapag si Lola talaga kausap ko laging dudugo ilong ko sa lalim ng tagalog niya.

Pagkauwi ni Lola ay pumasok na ako sa kwarto ko.

Ilang oras pa akong tulala hanggang sa dalawin ako ng antok.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nakangiti pa dahil sa wakas ay papasok na ulit.

Pero 'yong excitement ko kanina ay nawala nang pagkarating ko palang sa gate ng campus ay nakalagay na sa gate 'yong banner at nakalagay ang mukha ko roon at may nakasulat pa na #she_deserve_expulsion.

"Diba ikaw 'yan?" Napatingin ako roon sa babae na sa tingin ko ay freshman din. "Guys diba siya 'yon?!" Turo pa niya sa'kin kaya napatingin ang mga students na nasa labas at nakiki-tsismis.

"CHEATER! YOU DESERVE TO BE EXPELLED!"

Napayuko nalang ako at hindi na pinansin ang mga sigaw nila. Umawat na rin ang mga school guards nang pilit pa akong hilain nung iba.

Gusto kong lumaban pero hindi ko magawa dahil mag-isa lang naman ako.

Napahinga lang ako nang malalim nang makarating ako sa building kung saan ang first class ko.

Pagkapasok ko ay mga bulungan parin about sa akin at sa pamilya ko ang naririnig ko.

"Lainarie," napatingin ako sa babae na katabi ko nang tawagin niya ako. "Are you okay?" Tanong niya. Nagulat naman ako dahil sa tanong niya.

"Ah, yeah." Sagot ko saka ngumiti nang pilit.

"You know what, sobrang bilib ako sa'yo." Sabi pa niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Kahit anong masamang gawin sa'yo hindi ka gumaganti." She added.

"That's what my Lola and Lolo told me. Na kahit anong gawin ng iba sa'min, huwag kaming gaganti." Sagot ko saka ngumiti at umiwas ng tingin. Hindi na rin kasi ako sigurado kung masusunod ko pa ang mga bilin nila.

"Hoy Lainarie, ang kapal talaga ng mukha mo 'no?" Hindi ako sumagot sa sinabi nung iba naming classmate. Nanatili lang akong nakatingin sa libro na hawak ko.

"Trish tama na, wala namang ginagawa si Lainarie sa inyo." Pag-awat nung babae na nasa tabi ko.

"Are you crazy, Shaila? Anong walang ginagawa? Hindi nakapasok ang ibang students dito na mas deserving kaysa sa kanya, pero siya nakapasok lang ng ganon-ganon lang. Dahil binayar—"

"Nakapasok ako rito dahil pinaghirapan kong makapasok dito. You don't have any evidence na binayaran namin ang school para makapasok ako rito." Putol ko sa sinasabi nung babae at matalim siyang tignan.

Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinasabihan ako na hindi ako deserving sa isang bagay na alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang makuha iyon.

"Oh really? Alam ko na 'yang galawan ng pamilya mo!" Sigaw niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya at napaatras naman siya.

"Hindi mo kilala ang pamilya ko!" Mariin kong sagot sa kanya. "Ayaw niyo sa mandaraya pero kayo mismo gumagawa ng dayaan sa school. Huwag niyong sabihin na wala akong ebidensya. Baka mahimatay ka 'pag nilabas ko ang kuha ng CCTV sa library." I added saka bumalik sa upuan ko.

[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon