13

66 5 1
                                    

Day passed smoothly. Nandito kami ngayon ni agent Beta sa bahay ni Mang Orio. Kanina pa kami rito pero hindi niya kami binigyan ng pagkakataon na makausap siya.

"Babalik ako rito, hindi ako susuko." bulong ko bago kami bumalik sa headquarters.


Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa may couch at ganon din ang ginawa ni agent Beta.


"Fix yourself, Lainarie. May training pa tayo." sabi nito at tumayo kaya tumayo na rin ako at sinundan siya.


"What's our next mission?" tanong ko nang matapos kaming magtraining. Kating-kati na talaga ang kamay ko na mahuli ang mga may kasalanan talaga.

"Kumalma ka, wala pang utos si Sen Alfero." sagot niya kaya napatango nalang ako at nagpaalam na sa kanya. Nagtataka na rin ata kasi si Ely kung bakit wala pa ako sa coffee shop.


"Saan ka ba galing?" bungad agad niya pagkarating ko sa coffee shop.


"May dinaanan lang." mahinang sagot ko at tinulungan siya sa pagtake ng orders. Konti lang naman mga customer namin dito ngayon.

"Napapansin ko lang, may tinatago ka ba sa'kin?" tanong niya kaya kinunutan ko siya ng noo.

"You're overthinking, Ely. Ano naman ang itatago ko sa'yo?" pagsisinungaling ko. Sana lang ay maniwala siya. Pero tinignan niya parin ako nang may pagdududa pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Siguraduhin mo lang, Ishia Lainarie." sabi nito bago niya ako iwan sa counter.

Magsasarado na kami nang dumating si Stell. Ang alam ko busy rin siya ngayon sa training nila.

Kumunot ang noo ni Ely nang makita na may kasama siyang babae. Umiwas nalang ako ng tingin nang ngitian ako ni Stell.


"Sino 'yang kasama niya?" bulong sa akin ni Ely. Nakatingin siya roon sa dalawa na papalapit sa amin.

"Malay ko." walang ganang sagot ko.

"Wazzup madam Ely, Lainarie." sabi nito nang makalapit siya. Tsk. Nasaan na iyong 'Isla' na tawag niya sa'kin? Kainis.

"Girlfriend mo?" rinig kong tanong ni Ely. Tumawa naman si Stell na ikinainis ko lang.


"Hindi, siya si Gelou, kaibigan ko." sagot niya at agad naman na nagpakilala si Ely sa kanya. Ako naman ay hindi sila pinansin at kunwaring may inaayos sa counter.

"Hayaan niyo 'yan, nakita niya kasi 'yong crush niya na may kasamang iba." Sabi ni Ely dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Sinong crush?" tanong ni Stell kay Ely kaya napatingin sa'kin si Ely na nakangisi kaya masama ang tingin ko sa kanya. Naiinis ako. Gusto ko manipa for todays vidyow.

"Secret walang clue." sagot ni Ely na sinabayan niya pa ng nakakainis na tawa.


Tinulungan lang kami ni Stell na magsara at sabay-sabay narin kaming umalis sa coffee shop at tumambay sa bilihan ng street foods. Kasama parin namin iyong kaibigan daw ni Stell.

Inis na timusok ko 'yong fishball dahil nakita ko kung gaano sila ka-close sa isa't-isa. Pati si Ely ay nakikisabay sa asaran nilang dalawa. Parang wala lang ako rito.

"Crush na crush talaga ni Stell dati 'yong kaibigan niya kaya hindi na ako nagsayang ng oras para landiin siya." tumawa pa si Gelou nang sabihin niya iyon.

"Crush na crush pa nga, gagi baka maniwala sila sa'yo." sagot ni Stell pero inasar pa siya nung Gelou kaya napairap ako.

"Totoo naman, umiinom ka pa nga noong nalaman mong may gusto siyang iba." tumawa na naman sila.


[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon