18

84 7 3
                                    

"Susunduin kita mamaya." hinalikan ni Stell ang noo ko bago siya maglakad para pumunta sa training niya. Hinatid niya ako ngayon dito sa coffee shop.

"Oh! The granddaughter of the criminal. Ang sweet niyo naman ni Stell." lumapit si Trish sa'kin kaya napalayo ako nang nagtangka siyang hawakan ako.

Tumawa siya dahil sa ginawa ko. "Akala mo talaga mahal ka niya 'no?" ngumisi siya sa'kin at lumapit ulit at tinapik ang pisngi ko nang mahina. "Dream on, Lainarie. You think may magmamahal talaga sa'yo?" she added.

"Ayaw ko ng gulo." mahinang sabi ko at lalagpasan na sana siya pero hinarangan niya ang dadaanan ko.

"Huwag kang mag-ilusyon na may taong tatanggap sa'yo. Baka nga ginagamit ka lang niya." bulong niya sa'kin at pumasok sa loob ng coffee shop.

Naiwan ako sa labas na tulala at inisip ang mga sinabi niya.

Mahal mo ba talaga ako, Stell?

"Lainarie?" natauhan ako nang hawakan nung isang barista rito ang balikat ko. "Are you okay, ma'am?" tanong niya. Tumango lang ako at pumasok na sa loob. Sakto rin kasi na lumabas siya para ayusin 'yong mga upuan na nasa labas ng coffee shop.

Buong araw ay iyon ang iniisip ko. Paano kung tama si Trish? Ayaw kong magduda pero...

"Isla!" nagulat ako nang dahil sa sigaw niya. Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Stell. Totoo ba ang mga ngiti na 'yan? "okay ka lang?" nawala ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala.

Napatango ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Pagod lang." sagot ko at nauna nang maglakad.

"Tara sa fishball'an—"

"Uuwi ako ng maaga ngayon." putol ko sa kanya. Nang tignan ko siya ay nakita ko ang malungkot niyang mukha. Nakonsenya tuloy ko.

"Okay boss." sabi nito at sinamahan ako na pumunta kung saan naka-park 'yong van na susundo sa'kin.

"Okay ka lang ba talaga, Lainarie?" napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako sa pangalan na 'yon. Hindi ako sanay.

"Hmm," tumango ako bilang sagot at ngumiti ulit ng pilit sa kanya. Bumuntong hininga siya at maglakad nalang ulit.

"Hindi ko alam kung may nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan, Isla. Pero kung meron man, sorry." mahinang sabi nito. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Ako naman ngayon ang bumuntong hininga.

"Wala kang ginawa. Pagod lang talaga ako. Sorry." sagot ko. Tumingin siya sa'kin saglit pero umiwas din siya agad.

"Pahinga ka ah, nag-aalala ako sa mga kinikilos mo ngayon." sabi nito nang nasa parking lot na kami kung saan naka-park 'yong sundo ko.

"I will. Sorry talaga, Stell." sagot ko at pumasok na sa loob ng van.

Bumuntong hininga ako at ipinikit nalang ang mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang gisingin ako nung driver namin. Nakarating na pala kami sa bahay nila Ely.

Agad akong pumasok sa kwarto at nadatnan ko roon si Ely, tulala. Bumuntong hininga nalang ulit ko dahil sa dami ng problemang iniisip ng pamilya namin.

Dumagdag pa sa iisipin ko 'yong sinabi ni Trish kanina.

"Ely." tawag ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. Tulala parin siya ngayon at parang hindi niya pa alam na nandito na ako sa kwarto namin.

Lumapit ako sa kanya at hawakan ang balikat niya. Roon lang siya timingin sa'kin.

"Lai..." mahinang tawag niya sa'kin at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at tinanong kung anong problema pero umiyak lang siya habang yakap niya ako.

This was the first time I see her like this.

"Pack your things, kailangan niyong makaalis dito bago pa malaman ng ibang tao na buntis ka, Elyshiana." napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Lola. Seryoso siya ngayon na nakatingin sa amin. "I'm very disappointed, Ely. You too, Lainarie. Kailan ka pa naging parte sa secret agent ni Alfero? Kailan mo balak sabihin?" baling niya sa'kin kaya napayuko nalang ako.

"Sorry, Lola—"

"Alam kong ginawa mo 'yon for your Lolo, pero Lainarie, at least tell us naman." putol niya sa'kin. Napahawak siya sa sentido at bumuntong hininga. "Mag-empake na kayo, bukas ang flight niyo." she added kaya napatingin ako sa kanya.

Flight?

"Po?"

"Aalis kayo." sagot niya. "We decided na habang buntis si Ely, mananatili kayo sa Spain kasama ang Lolo niyo."

"S-si Lolo?"

"Agent Beta saved him from the terrorist who kidnapped him. Kaya mag-empake na kayo." sagot niya at lumabas ng kwarto.

Anong plano nila? Bakit sasama samin si Lolo sa Spain?

Napaupo nalang ako sa kama ni Ely at napahilamos sa mukha. Anong gagawin ko?

"Lai, sorry." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. "It's okay kung ayaw mong sumama samin sa Spain—"

"Sasamahan kita, Ely." tinapik ko nang mahina ang likod niya at yakapin siya. "Sabi ko naman sa'yo, kaya kong iwan ang lahat para sa'yo." mahinang sabi ko at pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ko.

Nang makapag-empake ako nang mga dadalhin namin ni Ely ay agad kong kinuha ang phone ko and dialed Stell's number.

[Isla—]

"Mag-usap tayo sa secret house bukas ng umaga." putol ko sa kanya. "May importante akong sasabihin." patuloy ko at agad na pinatay ang linya dahil hindi ko na kayang pigilan ang luha ko.

Ayaw kong iwan si Stell. Ayaw kong umalis. Pero gusto kong samahan si Ely. Gusto kong makasama si Lolo.

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay at pumunta sa secret house. Nadatnan ko na roon si Stell kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Isla—"

"Itigil na natin 'to, Stell."

"huh? Isla— ano bang—"

"I'm breaking up with you, Stell. Sorry." tumalikod ako sa kanya at umalis na doon. Tinatawag pa niya ako pero hindi ko siya nilingon dahil kapag ginawa ko 'yon, baka magbago ang isip ko at pipiliin nalang na mag-stay dito kasama siya.

Sorry, Stell. I love you, pero mas pinipili ko si Ely. Sorry.

"Are you okay—"

"Okay lang ako, Ely. Don't worry about me, okay?" putol ko kay Ely nang makita niya ako. Ngumiti pa ako sa kanya at tinulungan siya sa pagdala ng mga gamit namin sa van papunta sa airport.

"Are we going to use the private plane?" tanong niya at tumango ako. Sinabi kagabi ni Lola na gagamitin namin ang private plane ng family namin. "Si Lolo?"

"Hindi na siya sasama." sagot ko. Hindi pumayag si Lolo at Tito Alfero na tumakas siya. Gusto niyang malinis ang pangalan niya at ang pagtakas ay hindi makakatulong para roon. Balita ko kay agent Beta, nahanap narin nila si Mang Orio.

"Si Stell?" napatingin ulit ako sa kanya nang banggitin niya si Stell.

"Ely, huwag na natin pag-usapan ang tungkol sa'min ni Stell. Simula ngayon, kalimutan na natin lahat ng mga nangyari na hindi maganda rito at magsisimula tayo ng buhay kasama ang magiging anak mo."










_____________________
_____________________

[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon