tw: violence, drugs etc.
"Lainarie, napatawag ka?" Tanong agad iyon ni Tito Alfero pagkasagot niya.
"Count me in Tito, nakapagdesisyon na ako. I want to join the team for this mission." sagot ko. Sandaling natahimik si Senator.
"Are you sure, Lainarie? I mean, bakit biglang nagbago ang isip mo?" tanong niya. Matagal na ako sa Team ni Tito Alfero, pero ngayon lang ako naglakas ng loob na sumama sa mga missions nila.
"I just want to end the shit of the Suson's." Sagot ko.
"I'm glad you changed your decision, Lai. It's time to prove that your Lolo is innocent." Sabi nito.
Matapos namin nag-usap ni Tito Alfero ay hinanap ko na si Stell sa labas.
"Isla!" Tawag niya kaya napangiti akong lumapit sa kanya.
Malapit na ako nang may babaeng humarang sa'kin.
"Kasalanan ng pamilya mo kung bakit namatay ang asawa ko!" Sigaw niya sa'kin. Ramdam ko ang galit sa mukha niya.
"B-baka nagkamali lang po kayo." Sabi ko at iiwas na lang sana pero pinigilan niya ako.
"Ikaw! Anak ka ni Benjamin Cervantes! Kasalanan niyong lahat!" Sigaw niya sa'kin. Lumapit na rin sa amin ang mga body gourd na nakapalibot sa kulungan at lumapit din sa akin si Stell.
"Isla, okay ka lang?" Tanong niya sa'kin nang wala na ang babae sa harap namin.
Tumango ako, "okay lang, tara na." mahinang sabi ko at nauna nang maglakad.
Pagkarating namin sa coffee shop ay tahimik lang akong umupo sa counter. Hindi ko na rin alam kung may kumakausap ba sa'kin o wala. Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon.
'Yong babae kanina. Naiintindihan ko ang galit niya sa pagkamatay ng asawa niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit lahat ng sisi ay nasa pamilya namin.
"Hoy Lainarie! Kanina ka pa tulala diyan!" Napakurap ako nang sumigaw si Ely. "Ano bang meron sa'yo?"
"May iniisip lang." Sagot ko at hinarap nalang 'yong customer na kanina pa pala ako kinakausap.
"Si Stell 'yan 'no?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kinaroroonan ni Stell.
"No. Bakit ko naman siya iisipin?"
"Bobo nito, malamang iisipin mo siya. Gusto mo siya, e." Sagot niya.
"Sinong gusto niya?" Napatayo ako nang lumapit si Stell sa'min. Tinignan ko nang masama si Ely. Mapapahamak ako because of her, e.
"gusto niya—"
"Gusto ko ng isaw." Agad na sagot ko nang magsasalita na naman sana si Ely.
Sobrang lakas nung tawa niya kaya napapikit nalang ako. She's so annoying talaga minsan, e.
"Isaw? Sige boss punta tayo mamaya sa isawan." Stell answered na mas lalong lang tinawanan ni Ely.
"Stell, kung ako sa'yo palitan mo na ng K 'yong S." Sabi pa ni Ely at tinapik 'yong balikat ni Stell na kunot ang noo. Even me ay hindi na-gets 'yong sinabi niya.
NANDITO ako ngayon sa headquarters ni tito Alfero dahil ngayon ang unang araw ng training ko. Dati kasi sa office lang ako naghahanap ng evidence. Now, I want to join the missions. I want thrill.
"Lainarie, this is agent Beta. Siya ang maga-assist sa'yo." Pakilala niya sa isang magandang babae. Sa tingin ko ay mas matanda lang siya sa'kin ng ilang taon.
"Nice to meet you, Lainarie, I'm happy to be your assistant." sabi nito at inilahad ang kamay niya.
"Nice to meet you too, agent Beta."
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]
Fanfiction[Idol series 3] [ON GOING] Wherein Stell Ajero is now living his dream. He's now a member of the famous Pinoy Pop group, SB19. But despite of his success, he felt that there is something missing. Started: January 13, 2022