"Handa na akong tulungan ka para mapawalang sala ang lolo mo."
Lumapit ako kay Mang Orio at niyakap siya. "Thank you po. Hindi lang ito para sa lolo ko, kun'di para sa lahat ng mga inosente na naghihirap dahil sa kasalanan na hindi naman nila ginawa."
"Hindi na rin kaya ng konsensya ko na itago ang katotohanan."
"Lainarie, Mang Orio, we need to go." napatingin kami kay agent Beta nang magsalita siya.
Agad din kaming dumeretyo sa headquarters para doon pansamantalang magtatago si Mang Orio.
"Linisin mo 'yang sugat mo." sabi ni agent Beta at inabot sa'kin iyong first aid kit. Ngayon ko lang naalala na may daplis pala ako ng bala.
Nang magamot ko ang sugat ay nagpaalam na ako sa kanila dahil pupunta pa ako sa coffee shop.
Pagkarating ko roon ay nadatnan kong naglilinis si Stell habang si Ely naman ay nakatulala lang sa counter.
"Isla!" sigaw niya nang makita ako. Agad naman akong napangiti nang makita ang ngiti niya.
Nang makalapit siya sa'kin ay agad niya akong niyakap kaya hindi niya sinasadyang nasagi ang sugat ko sa braso.
"Anong nangyari diyan?" may pag-aalala na tanong niya.
"Ah, sumabit lang kanina sa may sampayan."pagpapalusot ko pero tinignan niya ako na parang hindi binili ang palusot ko.
"Kayo muna bahala rito, may klase na ako." putol ni Ely sa pag-uusap namin. Tumango nalang ako dahil mukha na naman siyang bad trip.
Mabuti nalang na wala akong klase ngayong araw.
"Sure ka ba na okay ka lang?" tanong ni Stell na sinundan pa ako papunta sa counter.
"Hmm." tumango at ngumiti sa kanya. "I'm okay lang nga. Maliit na sugat lang naman 'to." sagot ko pa.
Bumuntong hininga naman siya saka nangalumbaba at tinitigan ako kaya medyo nahiya ako. "Mag-ingat ka kasi, boss." kumunot ang noo niya kaya pinisil ko ang pisngi niya. Ang cute.
"Oo na po." sabi ko pa sa kanya at ginulo ang buhok niya kaya lumayo siya sa'kin.
"Ginagawa mo naman akong bata, gawa nalang ka—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil ibinato ko sa kanya 'yong walang laman na disposable cup. "Joke lang boss." natatawang sabi nito bago siya ulit bumalik sa ginagawa niya.
Kinahapunan, hinatid niya ako sa bahay. Uuwi rin dapat siya agad pero nakita siya ni Mommy.
"Stell!" iyon agad ang bungad niya at agad na lumapit sa'min at niyakap si Stell na akala mo siya ang anak niya.
Really, mom? In front of me?
"Dito ka na kumain, sabayan mo kami ni Isla. Wala kasi ang daddy niya ngayon." Sabi ni Mommy at hinila na si Stell sa loob ng bahay.
Wala nalang din nagawa si Stell kun'di pumasok.
"Stell, may girlfriend ka na ba?" tanong bigla ni Mommy nang inihanda niya 'yong dinner namin. Napatingin nalang ako kay Stell dahil sa kaba.
Hindi ko nga pala nasasabi kay Mommy 'yong about sa amin.
"Meron na po." agad naman na sagot ni Stell at tinulungan pa si Mommy sa ginagawa niya.
"Ganon ba? Si Isla, hindi mo ba siya type —"
"Mom!" putol ko kay Mommy dahil sa sinasabi niya. Jusko naman Mommy. Tumawa naman si Stell at tumingin pa sa'kin ng nakakaasar.
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]
Fiksi Penggemar[Idol series 3] [ON GOING] Wherein Stell Ajero is now living his dream. He's now a member of the famous Pinoy Pop group, SB19. But despite of his success, he felt that there is something missing. Started: January 13, 2022