tw: violence, drugs etc.
Tulala ako habang pinapanood ang pagdating at paglabas ng mga customer sa coffee shop. Iniisip ko kung paano ko haharapin si Stell ngayon matapos ang nangyari kagabi.
Kaninang umaga, nag text siya na may pupuntahan kami ngayong araw matapos ang training nila at susunduin niya ako rito sa coffee shop.
"Ishia Lainarie, shutaca kanina ka pa kinakausap ni Stell." napakurap ako ng dalawang beses nang mahina akong sampalin ni Ely. What the hell?! Kanina pa pala ako tulala kay Stell na nasa harap ko na.
Nakita ko pa ang patago niyang tawa kaya nakagat ko ang labi dahil sa kahihiyan. Shit naman!
"Tara na boss." sabi nito kaya napatingin ako kay Ely na nasa tabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan.
"Wala akong pakealam kung sasama ka o hindi." sabi nito at tinalikuran ako. Bwesit na babae.
Ibinalik ko ang tingin kay Stell at nginitian siya. "Tara—"
"Ishia!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kay Stell nang may sumigaw mula sa entrance ng coffee shop.
Pagtingin ko sa likod ni Stell ay nakita ko si Arthur. "Art!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. "Kailan ka pa bumalik? I miss you, my Art!" patuloy ko at niyakap siya.
Art is my friend. Anak siya nang empleyado ni Lolo dati kaya naging close din siya.
Nagkahiwalay lang kami noong lumipat kami rito sa Manila at siya naman ay nag-aral sa ibang bansa.
"I miss you too, Ishia. Actually, kahapon pa ako dumating dito, and I heard that you are here so, pumunta na ako ngayon." sagot niya.
"Really? How are you then?" tanong ko.
"I'm good, Ishia. You?"
"Ehemmm!"
Napatingin ako kay Stell nang nameke siya ng ubo. Shocks. Nakalimutan ko na nandito pala siya.
"Ah, Art, he's Stell. My— ahm—" hindi ko naman alam kung paano ko siya ipapakilala. Sasabihin ko ba na we're dating? Friend? I don't know.
"Your?" kunot ang noong tanong ni Art kaya napakamot ako ng ulo. Paano ba?
"Kaibigan niya 'yan, Arturo." pagsingit ni Ely kaya napunta ang atensyon ni Art sa kanya.
"Elyshiana!" sigaw nito at agad na lumapit kay Ely.
Napatingin naman ako kay Stell na ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin. "Ahm— sorry. Tara na?"
"I don't want to bother your "so called reunion with your friend" kaya, sa susunod nalang siguro." sabi nito at parang may sama ng loob pang umupo at nangalumbaba.
"Are you... nevermind." napairap ako at umupo sa tapat niya.
"Psst!" tawag ko pa sa atensyon niya dahil hindi niya talaga ako kinakausap. "You're so cute when you're acting like that." napailing ako at natawa. "Nagtatampo yarn?" pang-aasar ko pa at ginulo ang buhok niya pero he just rolled his eyes and crossed his arm. Wow ah. He's acting like he's the girl here.
"Oh? Akala ko ba may date kayo for todays vidyow?" tanong ni Ely na nasa counter at nasa tapat niya naman si Art.
"Date? For real? Hey, Ishia. You didn't tell me na—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Art nang tumayo si Stell sa harap ko. Nagulat din ako roon.
Mas lalo lang akong nagulat nang hawakan niya ang wrist ko at hinila ako kaya napatayo ako. "T-teka..."
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]
Fanfic[Idol series 3] [ON GOING] Wherein Stell Ajero is now living his dream. He's now a member of the famous Pinoy Pop group, SB19. But despite of his success, he felt that there is something missing. Started: January 13, 2022