3

86 12 0
                                    

Tulala lang ako sa may laptop ko habang iniisip kung ano ba dapat ang susunod na mangyayari sa story na sinusulat ko.

Sabado ngayon at nandito ako sa coffee shop. Ako na naman ang nagbabantay.

"Missing Piece?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa likod si Stell. Tumawa pa siya nang makita ang reaksyon ko.

Agad ko namang isinara ang laptop ko dahil ayaw ko na may makaalam na ako ang nagsulat sa mga book na nakikita nila minsan sa bookstore.

"Writer ka pala?" Tanong niya at umupo sa tapat ko. Wala pa kasi masyadong customer ngayon.

"Hindi ah," I denied pero para namang hindi siya naniwala.

"Sinungaling" he said kaya umirap ako.

"You know what, if you want to work pa here umalis ka na sa harap ko now na." Natawa naman siya sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi naman kasi talaga ako nakikipagbiruan sa kanya. Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil wala akong maisip na scene para sa Missing Piece!

"You make kalma muna, boss." Sabi nito at ginaya pa ang pananalita ko kaya mas lalo lang akong nainis. "Ito naman, joke lang eh. Ganito kasi 'yan, para may masulat ka kailangan mo ng inspirasyon." He added.

I sighed. Maybe he is right. I need an inspiration, "pero sino?" Mahinang tanong ko.

"Tara sa labas tapos maghanap tayo ng inspirasyon mo." Sagot niya saka tumayo.

"Walang magbabantay dito—"

"Ako na, lumayas na kayo." Putol sa akin ni Ely. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya.

"Sure ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Turo niya sa sarili. Sabi ko nga seryoso siya. Psh. Ano na naman kaya ang nangyari at wala na naman siya sa mood?

Tumayo nalang ako at hinila si Stell palabas ng coffee shop. Binitawan ko lang siya nang ma-realize na hawak ko ang kamay niya.

"So, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at siya naman ang humawak sa wrist ko.

"Sa park, boss. For sure makakakuha ka ng inspirasyon do'n." He answered at hinila na ako.

Napangiti ako at napatingin sa kamay ko na hawak niya parin.

"Stell," tawag ko sa kanya habang nakaupo kami sa bench na nandito sa park habang pinagmamasdan namin ang mga tao sa paligid namin habang kumakain ng ice cream.

"Hmm?"

"Anong pangarap mo?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at nagtama ang mata namin pero agad naman siyang umiwas ng tingin.

"Pangarap kong iparinig at ipakita sa mundo ang talent ko." He simply answered. "Ikaw? Anong pangarap mo?" He asked.

Ako? "Pangarap kong mabubay ng normal lang gaya mo." Sagot ko.

"Bakit abnormal ba buhay mo?" He joked kaya mahina ko siyang siniko.

"Pwede ka naman mabuhay ng normal, e. H'wag mo lang pansinin ang sasabihin ng iba." He seriously said. "Ipasok sa tenga, labas sa kabila." He added. Hindi naman gano'n kadali 'yon.

"Tignan mo 'yong couple do'n oh, sweet nila 'no?" Pag-iiba ko ng usapan. Nakalimutan ko na kung bakit kami nandito ngayon.

"Oo nga, sana all." He answered kaya natawa ako.

"You don't have a girlfriend pa? O you never had a girlfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa nga, eh." Sagot niya.

[SB19 IDOL SERIES #3] Missing Piece[EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon