Chapter 29

14.7K 479 97
                                    

29


Sherlyn's POV


It's 9:50 in the morning.

Kinakabahan ako. Ano ang gagawin namin kay Kael kung hindi pumayag si Jojo? Mahirap naman kasing gawin ang bagay na labag sa loob mo.


"Sa tingin mo pupunta pa kaya siya?" Tanong sa akin ni Pia.

"Hindi ko alam. Pero kung hindi man, irespect na lang natin. Mahirap para kay Jojo ang gagawin natin. Lumaki siyang hindi nagsusuot ng pambabae tapos bigla nating pagsusuotin ng gown 'yung tao."

"Sabagay. Pero for sure mag-aagree ka rin na malaki ang pinagbago ni Kael simula noong maging magkaibigan sila ni Jojo." Pia said.

I smiled.

Halos lahat naman kaming magkakaibigan napansin iyon.

"Napag-usapan na nga namin ni Jake ang tungkol doon. Sabi naman ni Jake sinubukan nilang tanungin si Kael pero mukhang desidido pa raw si Kael na wala pa siyang nararamdaman para kay Jojo. Pero kung ano pa man daw, hayaan na lang daw natin si Kael sa bagay na iyon basta back-up lang tayo."

Iba naman ang nasabi sa akin ni Paul. Hindi pa lang daw kayang aminin ni Kael sa sarili niya ang totoo.

Sa aming lahat, si Kael at Paul ang pinakakilala ang isa't isa. Daig pa nila ang kambal na siyam na buwan na nanatili sa sinapupunan ng iisang ina. Pero katulad rin ng sabi ni Jake kay Pia, ganoon din ang sinabi ni Paul sa akin tungkol kina Kael at Jojo.

"Mabuting tao naman si Jojo at nakakabuti rin siya kay Kael. Kaya kung anu't anuman, magiging happy ako para sa kanila." Iyon na lang ang sinabi ko.

"Pero kung nagkataon na ma-in love nga sila sa isa't isa, alam nating hindi magiging madali iyon."

Natahimik rin ako sa sinabi ni Pia.

Alam ko ang ibig niyang sabihin doon.

"Kaya nga siguro ang sabi ni Jake at Paul, sa likod lang tayo palagi ni Kael." Sabay tipid akong ngumiti.

Tumingin ako sa suot kong relo. Napahinga ako nang malalim. It's 10:15 already and wala pa ring sign ng pagdating ni Jojo.

"Well, I guess Jojo decided not to go."

Nalungkot rin si Pia ng nakita niya ang oras.

"Maybe we should start choosing kung ano ang susuotin natin sa party."

Tumango ako.

We called Sandré, isa sa favorite employee ng kapatid kong si Nics. Remember? She's in the fashion industry. Bakit pa kami maghahanap ng ibang fashion designer kung nariyan naman na ang kapatid ko na kilala both in local and international industries? Proud ate here!

"Sandré, can we see the gowns that my sister Nichole made for us?"

"Sure Madame, this way." Sagot naman ni Sandré.

Sabay naman kaming humanga ni Pia nang makita namin ang mga gown na susuotin namin. Napakaganda. Pareho kaming nag-eenjoy sa pagsusuri ng mga gown nang pumasok ang isa rin sa empleyado ng boutique.

"Miss Sherlyn, may naghahanap po sa inyo sa labas."

Tumingin ako kay Pia at hinila ang kamay niya.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon