Chapter 5

16.8K 457 6
                                    

5


Jojo's POV


"Tid! Lunchbreak mo na?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Topeng sa harap ko. Tumango lang ako bilang sagot.

"Naks! Tampo ka, Tid? Heto na nga oh, babawi na sa'yo."

Nakangiting sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang siya nang masama. Wala naman talaga akong problema sa kanya. Trip ko lang talagang hindi siya kausapin ngayon.

"Pinilit ko pa si sir na maaga akong mag-lunch break ngayon para sabay tayo tapos hindi mo lang ako papansinin?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso? Napangiti ako.

"Talaga, Tid?"

Ngumiti na rin siya at tinaas-baba pa ang dalawang kilay niya.

"Lunch na tayo, Tid?"

Nakangiting tumango na lang ako. Pumunta muna kami sa Staff Area para kunin ang gamit namin. Nagulat na lang kami nang makita naming may mga babaeng umiiyak sa loob.

Pinuntahan namin ni Topeng si Andrea.

"Pssst ano ang nangyari? Lovelife?" Bulong ni Topeng kay Andrea.

Umiling lang ito.

"Eh ano?" Tanong uli ni Topeng.

Hinila kami ni Andrea palayo sa mga umiiyak para hindi marinig ang pagiging tsismosa niya.

"Tinanggal sila sa trabaho."

"Bakit?" Sabay na tanong namin ni Topeng.

"Hindi sila pumasa sa final test eh."

Kunot-noo naman kaming nagtinginan ni Topeng. Ano ba pinagsasabi nito? Napairap lang sa amin si Andrea sa reaksyon namin.

"Haay, ganito kasi iyon. Lahat ng mga empleyado rito ay dumaraan sa final test bukod pa sa interview na dinaanan natin. Pero ang test na iyon ay mangyayari nang hindi natin namamalayan at ang mismong may-ari ng mall na ito ang sumusubok sa atin."

"Anong klaseng test naman iyon?"

Nagkibit-balikat lang si Andrea.

"Hindi ko alam. Walang nakakaalam. Pero sumusubok daw iyon sa tunay na ugali ng mga bagong empleyado.  Iba-iba rin daw kasi ang paraan ng may-ari. Wala pa ring nakakakita sa itsura ng mga may-ari, si Sir Michael pa lang ang nakita namin. At sabi ng mga nakatataas, grandparents daw ni Sir Michael ang nagtetest sa atin. Ayy ewan."

"Kakaiba rin trip nila." Sabi ko.

"Eh paano kami nitong si Tid? Ibig sabihin nakapasa kami?" Biglang tanong ni Topeng.

"Hindi ba ka-batch ninyo sila sa natanggap? Kung nasabihan na silang tanggal na sila at hindi kayo kasama, edi nakapasa kayo! Congrats!"




Nasa isang sideline ko na ako ngayon. Napapaisip pa rin ako roon sa final test na iyon. Haneeep! Kakaiba naman itong napasukan ko. Ano pa kaya ang mga pasabog sa mall na iyon?

"Excuse me. Full tank, pare."

Naagaw ang atensyon ko nang may humintong kotse sa harap ko at nagsalita ang driver sa loob nito na busy sa paghahanap ng kung anong bagay sa ilalim ng upuan niya.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon