Chapter 12

13.8K 412 10
                                    

12


Jojo's POV


Kakatapos lang namin kumain ni Mr. Alvarez sa sinasabi niyang bagong bukas na restaurant. Hindi ko na sasabihin kung gaano kamura ang mga pagkain sa lugar na iyon.

Mas malaki lang naman sa sinasahod ko sa isang buwan ang nakita kong bill namin sa kinain namin. Nang makita ko 'yun parang gusto ko iluwa uli lahat ng kinain ko. Baka pwede pang irefund!

Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad.

Kanina ko pa napapansin pero alam kong may iba talaga sa kasama ko. Wala bang ibang kaibigan 'to?

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya napalingon ako agad sa kanya. Sabi na nga, may iba talaga. Umupo ako sa isang tabi kaya napaupo na rin siya sa tabi ko.

"Sige na ho, Sir. Ilabas niyo na po 'yan. Makikinig lang po ako."

"What do you mean?"

"Sir, halata ho kasing may problema kayo."

"Nah. I don't have."

"Kaya po ba naghahanap kayo ng kasama?"

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

Natawa naman ako.

"Ayaw niyo ho mag-isa ngayon, di ba? Kasi po kung mag-isa kayo, mas mararamdaman niyo ang problema. Sigurado rin po ako na hindi niyo po masabi ang problema niyo sa malalapit na tao sa inyo. Kaya sige na ho, Sir. Makikinig lang po ako. Hindi ba nga po sabi ko last time, mas madaling magshare sa mga taong bago pa lang natin nakilala? Kasi bago pa lang nila nakuha ang tiwala natin. Kumbaga fresh pa, buo pa ang tiwala natin sa kanila."

Tumingin ako sa kanya at nagulat pa ako dahil nakita kong nakatitig lang siya sa akin na parang gulat din.

"Bakit ganyan po kayo makatingin, Sir? May nasabi po ba akong masama?"

Ngumiti naman siya.

"You're different."

"Ho?"

"I mean... different in a good way."

"Eh baka dahil ngayon lang po kayo nagkaroon ng kausap na mahirap."

Natatawa kong sagot sa kanya.

"It's not just that."

"Naku Sir, binabago niyo lang po ang usapan eh. Pero tama ho ako, di ba? May problema po talaga?" Natatarantang sabi ko sa kanya.

Ano naman daw kasi iyon? Kahit boyish ako manamit, babaeng-babae pa rin naman ako nuh.

Saglit siyang natahimik saka tumango.

Hinintay ko lang siyang magsalita.

"I told him to take good care of her..."

Napatingin ako. Her?

"I know he's my best friend but damn it! She doesn't deserve to experience that."

Nakikita ko ang galit niya.

Hindi ko naiintindihan kung ano ang sinasabi niya pero nakuha ko ang thought na nasasaktan siya para sa isang babae dahil sa best friend niya.

Parang may tumusok naman sa puso ko.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon