Chapter 2

25K 493 12
                                    

2


Jojo's POV


"Ate, narinig ko sa labas na nag-away na naman daw kayo ni Barbie kanina."

Tiningnan ko nang masama ang kapatid kong si Kristel Anne. Kahit kailan talaga ang daldal nito. Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon ko sa pagkain.

"Ano iyong narinig ko?"

Ang daldal kasi. Narinig na naman ni Nanay.

"Joyjoy? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo nang pinapatulan si Barbie?"

Yun lang! Tanging nanay ko lang ang nakakatawag sa akin ng ganyan. Kainis! Pasimpleng tatawa-tawa naman si Kristel Anne at Lester Jay, ang dalawa kong nakababatang kapatid.

"Joyjoy daw? Hahaha." Narinig ko pang bulong ni Lester kay Kristel. Binatukan ko nga sila.

"Tumigil na kayo. Nasa harapan kayo ng pagkain hah!" Sita ni Nanay.

"Nay naman kasi. Sa itsura at suot kong ito, tama ba namang tawagin ninyo kong Joyjoy?"

"At bakit hindi? Kahit ano'ng gawin mo, babae ka pa rin."

Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko rin namang hindi ako mananalo kay Nanay eh.

Tiningnan ko ang dalawa na nagtatawanan pa rin. Inambaan ko sila ng hawak kong tinidor pero tiningnan kami ni Nanay nang masama kaya tumahimik na kaming tatlo.


---


"Oh Joyjoy, akala ko ba may lakad kayo ni Topeng ngayon?"

Nariyan na naman si Nanay sa tawag niya sa aking ganyan. Ang sakit sa tainga pakinggan eh. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Sabi niya po daraanan na lang niya ako rito sa bahay. Ang aga po yatang pumasok ng dalawa?"

"Kailangan daw pumunta nang maaga ni Kristel sa school nila. Si Lester naman may practice daw sila ng basketball."

Napatango na lang ako.


"Tiiiiiiiid!"

Sabay pa kaming napalingon ni Nanay sa sumisigaw na si Topeng at patakbong lumapit sa amin.

"Makasigaw lang, Tid?"

"May maganda akong balita sa'yo, Tid!"

Napakunot naman ako ng noo.

"Ano naman iyon?"

Saglit pa siyang tumahimik. Tingnan mo 'to! Sarap batukan. Pa-suspense pa masyado.

"Tid, magsasalita ka ba o huhugutin ko pa palabas iyang dila mo?"

Natawa lang sila pareho ni Nanay. Alam naman na kasi niyang wala akong pasensya.

"Oh heto na. Naalala mo pa iyong lugar na tinirahan natin sa Maynila noong minsan tayong magbakasyon doon?"

"Tapos?"

"Naupahan na nina Nanay kahapon iyon kaya sabi niya pwede na tayo sumunod para makahanap na tayo ng trabaho sa Maynila!"

"Uy! Ayos iyon, Tid!"

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon