Chapter 38

4.4K 181 23
                                    

38

Jojo's POV


"Why not? Gusto mo ba?"


Wala akong kinakain pero halos mabilaukan ako sa hirit niya.
Halos tumalbog ang puso ko sa lakas ng epekto ng mga katagang iyon mula sa kanya pero idinaan ko na lang sa tawa.


"Hahahaha. Siraulo ka talaga. Baka kapag pinatulan ko iyan, mapauwi ka ngayon din mismo." Sabay tumawa habang pilit itinatago ang malakas na epekto sa akin ng tanong niya.


Tumawa lang din siya sa kabilang linya.
May bahagi sa puso ko na nalungkot, na parang umaasang patotohanan niya.


"Tuwang-tuwa ka sa trip mo ha?" Hindi ko napigilang magtunog na may bahid ng inis ang pagkasabi ko sa kanya. Narinig kong huminto siya sa pagtawa.


"Ako ba nagsimula?" Banat naman niya. Aba naman talagang kamanhid ng taong 'to. Nasasaktan na nga ako deep inside dahil alam kong one-sided itong nararamdaman ko.


Kilala mo ang mokong na iyan, Jojo. Baguhin mo na lang ang usapan. Sabi ko sa aking sarili.


"Kailan kayo makakabalik pala niyan?" Tanong ko.


"Still not that sure. May deals pang kailangang i-close si Papa P, so depende kung gaano niya kabilis matatapos iyon."


"Ah okay." Huy, Jo! Ibalik mo kakulitan mo. Baka makahalata ang isa na nag-iba na energy mo. Paninita ko na naman sa sarili ko. 'Nak ng teteng. May sapak na yata ako at pati utak ko nag-uusap na.


"Mukhang inaantok ka na. Sige na, Jo. Late na rin kaya magpahinga ka na." Sabi ko na nga ba at makakahalata eh.


"Hindi naman. Pero magandang idea rin iyan baka dinadahilan mo lang pagtawag mo rito para hindi ka magtrabaho diyan at iasa mo na lahat kay Paul. Hay naku, Kael. Mga galawan mo rin minsan. Sige na, magtrabaho ka na. mag-ambag ka naman." Pagbibiro ko sa kanya.


Tumawa naman siya.


"Kilala mo talaga ako." Natatawa niyang sagot.


"Tingnan mo talaga ito. Huli ka balbon!"


"Huli pero hindi kulong."


Natawa ako bigla sa sinabi niya. Paano na naman nakaabot sa kanya ang mga ganyang banat?


"Saan mo na naman natutunan iyan? Kinakabahan na ako sa iyo eh."


"Hahaha kung saan lang."


Hihikab na sana ako pero pinigilan ko dahil baka marinig niya. Ang totoo kanina pa ako antok na antok dahil sa pagod at puyat na rin.


"Sige na. Matutulog na ako, boss. Maaga na naman ang aking pakikidigma sa buhay bukas. Good luck sa inyo ni Paul! Tumulong ka ha, huwag kang tokis diyan hahahaha."


Hindi siya agad sumagot sa sinabi ko.


Pinakinggan ko nang maigi ang ingay sa kabilang linya. Baka may biglang kinausap na ka-meeting pero wala naman.


"Huh? Wala na ba akong kausap? Naputol kaya ang linya niya." Nasabi ko habang pinapakinggan kung nasa kabilang linya pa ang isa. "Mukhang naputol nga."


Ibababa ko na sana ang phone nang bigla siyang magsalita.


"Jo..."


"Nandiyan ka pa pala, bakit hindi ka nagsasalita diyan? Ano na naman ang trip---"


Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya.








"I think I like you."




Parang panandalian akong hindi nakahinga dahil tumigil ang tibok ng puso ko at tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Narinig ko siyang mahinang napamura.


Subukan mo lang bawiin ang sinabi mo, Kael. Lalamugin ko mga buto mo pag-uwi mo. Lord, please wala na itong bawian.


"Huh?" Iyon lang ang naisagot ko sa dami ng sinasabi ng utak ko.


"Huwag mo muna intindihin nasabi ko. Usap tayo pagbalik namin diyan sa Pinas."



Poteeeeeeeeek. Anong nangyayari? Kumakampi ba sa akin ang lahat ng bituin sa universe at nagkasundong iparinig sa akin ang matagal kong iniimagine na marinig?


"Okay sige. Panagutan mo iyan at sa barangay tayo mag-uusap..."


Nasampal ko bibig ko. Sino ba may kontrol sa bibig ko? Bakit pinagsasabi ko iyon?


Narinig ko siyang natawa nang mahina.


"Alright, good night. See you soonest." Bakit ang lambing ng boses? Nakahiga ako pero parang ramdam ko na nanlalambot tuhod ko.


"Sige, good night." Sagot ko sa kanya.


Ibinaba na niya ang tawag.



Mga limang segundo... para akong hihimatayin sa kilig na nararamdaman ko! Para akong kinukuryente na pagulong-gulong sa higaan habang pinipigilan kong sumigaw sa pamamagitan ng pagsubsob ng bibig ko sa unan.



Lord, anong nangyari? Bakit may pa-ganito? Birthday ko na ba?



Iyong antok na antok kong kaluluwa kanina, ngayon ay parang nasa alapaap pa.





Paano na ako makakatulog nito?

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon