Sabi ni Uno na siya ang susundo sa 'kin after class dahil may pupuntahan daw kami, hindi nga lang ako prepared dahil kaninang lunch niya lang ako tinext saka stressed so much na 'ko para pa mag ayos.
Nauna na 'kong lumabas ng campus at hindi na hinintay ang mga kaibigan ko dahil alam kong gagala pa 'yong mga 'yon.
Pag labas ko ay nakita ko si Uno na kumakain ng fishball, agad ko siyang nilapitan at binatukan dahil hindi niya na 'ko nahintay bumili ng kwek kwek!
"Aray ko!" Reklamo nito pero tinawanan ko lang siya, inagaw ko sa kaniya 'yong fishball at saka kinain 'yon, "Wala ka bang pera? Nang aagaw ka ng pagkain!" Kinuha niya sa 'kin 'yong baso.
"Cap!" Rinig kong tawag sa 'kin nung mga ka-grupo ko, kinawayan ko lang sila at saka humarap kay Uno dahil kinalabit niya 'ko.
"Hoy, Caprina! Hinahayaan mo lang silang tawagin kang 'cap'? Akala ko ba ako lang pwedeng tumawag sa 'yo no'n?" He pouted like a kid and even offered me his foods, I laughed at him.
I walked towards my members, "Training bukas, ah?" Suway ko sa kanila dahil nawiwili silang gumala gala, nakakalimutan yata nilang malapit na ang UAAP, "Oo naman, Cap! Kami pa ba makakalimot?" Nagsi-tawanan sila at saka ako bumalik kay Uno.
Inaya ko na si Uno na umalis na para mabilis din kaming makabalik dahil marami akong gagawin, may family dinner pa nga kami! Buti na lang at na-adjust 'yon mamayang 9 PM.
Hindi ako pinapansin ni Uno hanggang sa makarating kami sa isang pamilyar na lugar... Ito 'yong lugar na parati kong pinupuntahan noon kapag malungkot ako, it's abandoned now...
"Uno... Bakit tayo narito?" Mahina kong sambit at humawak sa kamay niya, hindi naman nakakatakot 'yong lugar saka hapon pa lang naman, it just gave me goosebumps.
Pinagpag niya ang swing at umupo roon, pinagpag ko rin ang kabilang swing para maupo sa tabi niya.
Hindi pa rin siya namamansin.
"Uno, bakit tayo narito? May nangyari ba?" Tanong ko, hindi na 'ko nagpupunta rito kapag malungkot ako pero si Uno naman ngayon ang tumatambay dito.
"Why are they calling you 'cap'?" He pouted again and held my hands, I can't help to think how cute he is whenever he wants tenderness, "Because I'm the captain of the Lady Eagles... Are you actually nagtatampo just because they're calling me 'cap'?" Sagot ko, inaasar ko siya dahil para siyang nagtatampo o nagseselos.
Umirap lang siya at saka nagswing na parang bata.
We watched the sun set while eating cookies that I baked, we're now seating at the top of the slide.
"Cap..." Bulong ni Uno kaya tumingin ako sa kaniya.
Hinarap niya 'ko at dahan dahang tumulo ang kaniyang luha, "Hala, Uno! Bakit ka umiiyak?!" Nataranta ako dahil bigla na lang siyang umiyak.
Lumapit ako sa kaniya para masandalan niya ang balikat ko, binigay ko rin sa kaniya ang panyo ko. Hindi ko siya pipiliting magkwento, kusa naman siyang magsasabi kung kaya niya na.
Ilang minuto rin siyang umiyak bago naming mapag desisyunang umuwi na, "May bibilhin lang ako, hintayin mo na lang ako sa tapat nila Nina," Paalam ko, tumango siya at saka ako naglakad paalis.
Nina is my friend here in the village kaya nakakapasok ako rito dati kaso nga lang she immigrated to U.S kaya nawalan na rin ako ng rason para tumambay dito.
I bought two tubs of ice cream. For me and Uno.
Pag balik ko ay nakaupo siya sa bench ng bahay nila Nina.. Mukhang mabigat ang nararamdaman niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Cautivadora Historia
Fiksi PenggemarHello! This might get you confused. Mostly it's one shot aus and it might or might not have next parts. It also contains different genres and characters. I'm open for correction if ever there's an error you'll encounter. You can freely dm me if you...