Nevada School

78 9 5
                                    

"Kalifer..."

Bahagya kong naimulat ang aking mga mata nang marinig ko ang pagsambit ng aking pangalan.

Malabo ang aking nakikita...

Nagdidilim ang aking paningin at halo-halo ang mga salita na aking naririnig.

"Put him to sleep immediately! "
-
"I don't think he'll make it Sir..."
-
"Trust me, He will"

Pakiramdam ko'y parang nasa pagitan
ako ng buhay at kamatayan. Mabilis ang aking paghinga na animo'y ako ay nag-aagaw buhay.

Marahang naipikit ko muli ang aking mga mata at nawalan na ng malay.

Ito ang aking huling pagkakatanda bago pa man ako naipasok sa Nevada SCP- 01222 ("NSCP-012S") School. Ang tagong eskwelahan na walang pagkakilanlan o talaan sa anumang internet sites.

Umiiral ito ng walang kamalayan ang mga taong nasa labas. Walang kaalam alam ang media patungkol rito at sa mga taong sangkot sa likod ng pag buo ng paaralan.

Hindi rin naipapabatid ang mga kabataang nawawala at napupunta dito, tila ba ay may bumubura ng katotohanan at naglilinis ng bahid ng dumi patungkol sa mga ginagawang imbestigasiyon.

Sa dalawang taon kong pag-aaral sa NSCP-12S, mayroon na akong sapat na impormasiyon at alam ko na rin ang ibang daan dito.

Binubuo ito ng maraming palapag ngunit karamihan ay restricted area kaya naman ay hindi ito napapasok ng mga estudyante maliban sa mga personnel at guro.

Puno ito ng seguridad kaya naman ay limitado ang galaw mo rito. Bawat sulok ay mayroong Dome Camera na may kakayahang tuklasin ang mga pagkakakilanlan ng bawat dumaraan.

Mayroon din itong nakakabit na Public Adress System tulad ng loudspeaker at amplifiers kung saan mangagaling ang tunog ng mga importanteng anunsiyo.

Sa mga pasilyo naman ay may mga babala na nakadikit sa pader.

"Never go outside the Red Zone"

Bawat estudyante ng NSCP-12S ay mayroong Microchip Implant sa bandang batok.

Sinumang madetect ng Red Zone ay awtomatikong sasabog ang MIC at mawawala na sa bilang ng buhay pang mga estudyante.

Kadalasan ay mga freshman ang mga nabibiktima nito o mga estudyante na nawalan na ng lakas ng loob na mamalagi pa rito.

Binibilang dito ang mga nanatili pa at ipanapaskil ng isang itim at malaking makina na hugis telebisyon,tinatawag nila itong "Tele-Automata"

May abilidad itong magsalita na tila ba boses ng isang babae.

" As of now, the number of Student that is still Alive is ; 756 ".

Sinulat ko ito sa aking journal at nagtungo sa NSSG Office.

Tulad ng isang normal na eskwelahan,
mayroon ding namamalakad na mga estudyante dito. Ito ay ang Nevada Supreme Student Government o NSSG at parte ako nito.

Lahat ng estudyante dito ay may paguuri sa unipormeng suot. Berde para sa Freshmen, Krema para sa Juniors at Kayumanggi sa Seniors.

DeadKid WanderersWhere stories live. Discover now