Seryosong nakatingin sa akin si Thalia na naghihintay ng aking isasagot.
Nagkakatitigan ang aming mga mata, tila ba ay wala akong pagpipilian kung hindi ay pumayag.
Hindi ko mawari kung totoo ba lahat ng kaniyang binanggit,kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.
Kung ito lang ang solusiyon sa pagpaparaya ng bawat isa na nasa paaralang ito, alang-alang sa ikakabuti ng mga estudyante ay tumango ako at sinabing siya ay aking tutulungan.
Inabot niya sa akin ang kutsilyo.
"Ilagay mo yan kay Virtus" ani Thalia.
Sa oras na makita ito ng paaralan ay siguradong mapapatalsik si Virtus sa kaniyang posisyon.
Hindi ko maitatanggi na magaling mamuno si Virtus, dahil sa kanyang pamamalakad ay nagkaroon ng less deaths tuwing mayroong kaganapan sa paaralan.
Napabuntong hininga ako habang inilalagay ang kutsilyo sa desk ni Virtus
Sana lang ay tama ang desisyon na aking pinili.
Nabaling ang aking atensiyon kay Thalia, ngumiti ito at sinuot muli ang maskara.
Lumabas na kami bago pa man may dumating na miyembro ng NSSG.
Tutungo na sana kami papunta sa school grounds upang sundin ang inutos ni Sir Chiron na tulungan sila Savant sa paglilinis ng naiwang kalat ng isinagawang Eliminations nang biglang nagkulay pula ang ilaw sa bawat koridor.
Tumunog din ang Speakers at iba pang sound system ng paaralan at nagbigay ng anunsiyo ang Tele-Automata.
"Among the NSSG members violated one of the school rules,a member gave a combat knife to a participant which is strictly prohibited on aiding them."
"As for the consequences, a deadly game will be held tonight."
Panigurado ay magkakaroon ng gulo sa pagitan ng NSSG at mga estudyante dito sa Nevada.
Pamaya maya ay may paparating na dalawang Scientist.Sa likod nila ay tatlong militar na nakahanda ang baril.
Tutungo sila sa Office,sigurado ay makikita at kukununin nila ang Combat Knife na inilagay ko sa desk ni Virtus.
Hindi namin sila pinansin ni Thalia at nagpatuloy sa paglakad upang hindi mapaghalataan na galing kami mula doon.
Nakasalubong namin sila Heron at Fawn na pauwi na pala sa kanilang dormitoryo.
"Ligtas ka ngayon Horus, sinabi ko kay Savant na kami-kami lang ang napababa ni Sir Chiron" ani Heron.
Nagpasalamat ako sa kanila ni Fawn at tumungo kung saan nakatayo sila Savant at Petunia.
Hindi ko namalayan na umalis pala si Thalia habang kausap ko sila Fawn.
Nililinis ni Savant ang kaniyang salamin habang may sinasabi si Petunia sa kaniya.
YOU ARE READING
DeadKid Wanderers
Science FictionIsang paaralan ang nilikha ng kasuklam-suklam na gobyerno sa loob ng Nevada,Area 51. Ipinapatapon dito ang mga estudyanteng nakaranas ng "life and death situation" upang matukoy at mapag-eksperimentuhan ng mga siyentipiko kung hanggang saan aabot...