-
"Thalia, kapag suot mo yang maskara, marami kang bagay na maaring gawin, hindi ka madedetect ng dome camera sa paligid"
-
Masama ba ang maghangad na makasama mo ang iyong kapatid? Wala akong balak kaibiganin ang mga tao na andirito, hindi nawari sa aking isip ni minsan na magkaroon ng kaibigan.Lalo na at hindi ko sila kilala.
Kung ang kaibiganin ang isa sa Officer ng Nevada school ay ang susi para mapalapit sa aking layunin, hindi ako magdadalawang isip na panghawakan ito.
-
"Sundin mo lang ako, at makakatakas tayo dito, aatasan kita bilang personal na tagapag matyag, wala akong tiwala sa ibang NSSG officer, alam kong may binabalak silang hindi maganda."
--
"Kunin mo ang Combat knife na ginamit sa ground floor, isasagawa na natin ang plano".
-
Sinusunod ko lahat ng inuutos niya, dahil nagbibigay ito ng kalamangan sa akin. Nakakalabag ako ng mga bagay na hindi nalalaman ng nakatataas.Dahil sa maskara na binigay niya, nakakapasok ako sa mga restricted areas, nakakatuklas ako ng mga bagay na maraming hindi nakakaalam.
"Magaling Thalia, papabagsakin natin ang sistema dito sa paaralan na ito, maging ang patakaran ay ating iibahin"
Rebirth Child, iyan ang nakalkal ko sa dokumento na nakita ko, kulang kulang ang mga pahina pero sapat na para matukoy ang napakahalagang impormasiyon.
"Lahat ng estudyante na nandidito sa paaralan ay minsan nang nakatakas sa kamatayan, pinagsama sama ang mga ito para matukoy kung gaano kataas ang kapasidad ng tao na kumawala sa bingit ng kamatayan."
"Kamatayan... minsan na pala kitang nagunita."
-------
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog, masakit ang buo kong katawan.
Pakiramdam ko ay umakyat ako sa matataas na bundok, ngalay ang aking balikat at puro gasgas din ang balat.
Pamaya maya lang ay nagulat ako sa sumira ng katahimikan, nag-anunsiyo ang Teleautomata.
"Game Cleared! Congratulations to all the winners..."
"School population decreased to 760"
Sinabi ko sa aking sarili na hindi ako kailanman magkakaroon ng kaibigan.
Ngunit ano itong aking nararamdaman? Naluluha ako sa nangyare kay Fawn.
Nagmadali akong tumayo at umalis sa aking Dorm para hanapin pa sila Heron at Horus.
Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo, ay napagtanto ko ang dapat kong unahin, ang aking tunay na motibo.
"Mas mahalaga na hanapin ko ang aking kapatid"
Bagamat naalala ko na mayroon akong kapatid, hindi ko matukoy kung ano ang kaniyang itsura.
YOU ARE READING
DeadKid Wanderers
Science FictionIsang paaralan ang nilikha ng kasuklam-suklam na gobyerno sa loob ng Nevada,Area 51. Ipinapatapon dito ang mga estudyanteng nakaranas ng "life and death situation" upang matukoy at mapag-eksperimentuhan ng mga siyentipiko kung hanggang saan aabot...