"Extraordinary people survive under the most terrible circumstances and they become more extraordinary because of it.
-Robertson Davies-
"The Annual Freshmen Elimination is about to begin"
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo, nagsimulang magbulungan ang mga estudyante.
Maririnig mo sa bandang kanan ng pila ang tila ba pagkakaroon pa ng pustahan.
"Oh manghula na ng numero!"
"20 lang matitira diyan! "
"Wala yan, baka nga wala pa sa kinse ang mabuhay! "
Akmang babawalan ko na sila nang biglang nag anunsiyo muli ang Tele-Automata.
"As for instructions of Principal Roberts, Juniors and Seniors must return to their respective rooms immediately."
Inasistihan naming mga NSSG ang pag balik ng mga estudyante sa kanilang silid aralan.
Tama ang aking hinala, mayroong mali dito, mayroong tinatagong sikreto ang kapwa naming NSSG members.
Napansin kong lumingon si Savant sa isang Dome Camera,tumango siya na para bang nagbibigay senyales.
Hindi ko rin makita si Petunia na kanina lamang ay isa sa nakapila.
Samantalang ang Presidente ng NSSG na siyang pinakakailangan sa pulong ay hindi dumalo,"Saan ka nagtungo Virtus? "
Mararamdaman mo ang pag-alog ng inaapakan naming sahig.
Tila ba ay may umaangat mula sa kailaliman. Nanggaling ito sa school grounds kung nasaan ang mga baguhang estudyante.
Isang napakalaking Cube Glass ang kumulong sa 43 na estudyante, sapat upang makagalaw at dumistansya sa isa't-isa
Sa bawat sulok ng Cube ay mayroong Giant Mobile Fan na nakadikit.
Bakas sa mukha ng mga batang ito ang pagkatakot at pagtataka.
Magaganap na ang Eliminations at sigurado ako na dadanak ang dugo sa puntong ito, matira ang matibay.
Ako'y nagmatyag palihim sa dungaw ng pangalawang palapag. Makikita si Savant na nagbibigay ng tagubilin kung ano ang mga dapat gawin.
"Ang paaralan na ito ay hindi tumatanggap ng taong walang lakas ang kalooban. "
"Ito ang panimula ng pagsusuri sa bawat indibidwal na nandidito ngayon,paghahanda para sa susunod pang pagsubok dito sa NSCP-12S. "
Pamaya-maya pa ay sumindi ang apat na Giant Mobile Fan na gumawa ng maliit na Dust Storm na nagpalabo ng paligid.
Lumipad paitaas ang mga Unmanned Aerial Vehicle o yung mga Drones na mayroong Camera, ipanapalabas ito sa Tele-Automata at sa bawat klase upang masaksihan nila ito.
Nasindak ang mga Freshmans at nagkagulo dahil sila ay napupuhing. Humagulgol ang isang babae at umupo sa isang sulok habang nakatakip ng kamay ang mga tainga.
Mapapansin na naging berde ang kulay ng alikabok at bumalik din sa dati kalaunan.
"Ang berdeng iyon ay hindi normal na hangin lamang, mayroon iyong halong Specialized Tetrodotoxin na unti-unting kikitil ng buhay niyo sa loob lamang ng trenta-minutos."
Naghiyawan ang mga estudyante at nagsimulang magtanong kay Savant.
"Bakit ninyo ginagawa ito sa amin!?"
YOU ARE READING
DeadKid Wanderers
Fiksi IlmiahIsang paaralan ang nilikha ng kasuklam-suklam na gobyerno sa loob ng Nevada,Area 51. Ipinapatapon dito ang mga estudyanteng nakaranas ng "life and death situation" upang matukoy at mapag-eksperimentuhan ng mga siyentipiko kung hanggang saan aabot...