Marami ang nagsasabi na ang isang mapanlinlang na tao ay nagtatago sa likod ng isang maskara.
Magaling silang magkimkim ng emosiyon at mga di kaaya-ayang mga sikreto.
Ganun din ang mga estudyante dito sa Nevada.
Ginugunita nila ang mga guro at kapwa magaaral nang pekeng mga ngiti.
Wala silang magagawa kung hindi sumunod sa patakaran at magpatuloy sa pamumuhay bilang isang magaaral.
Kasalukuyang naglalakad ako papunta sa aming seksiyon, sa Andromeda, sa ika-lawang palapag.
Mapapansin na paksa ng mga naguusap na mga estudyante ang nangyari sa Annual Eliminations.
"Buti na lang madami ang nabuhay sa kanila"
"Pero ang daya naman na mayroong patalim ang isang estudyante! "
"Sayang lang dahil namatay yung babaeng nakaturok ng Cure, ang ganda pa naman niya. "
"Hahahhaha sira ka talaga!"
Sa kalagitnaan ng aking pakikinig ay hindi ko namalayan ang aking kasalubong at nagkabungguan kami dahilan upang mapatumba namin ang isa't-isa.
Si Thalia!
Kaklase ko siya simula pa nung Freshman pa kami, ngunit hindi ko nakakausap dahil may kailapan at sobrang tahimik.
Sa katunayan ay wala siyang kinakaibigan dahil lagi siyang mapag-isa at walang kinakausap.
Nauna akong bumangon at humingi ng tawad.
Inabutan ko siya ng kamay para tulungan makatayo.
Tulad ng aking inaasahan na kaniyang maging tugon, hindi niya ako pinansin at bakas sa mukha niya ang pagkainis.
Umalis siya na para bang walang nangyari at nagtungo na rin sa aming seksiyon.
Napakamot na lang ako ng ulo at nagpunta na rin sa silid aralan.
Hinagilap ko si Thalia at nakitang nakadukdok sa kaniyang kinauupuan bago ako tumungo sa aking pwesto.
Kinawayan ko ang dalawang matalik na kaibigan ko dito sa Andromeda,si Heron at Fawn.
Umupo na ako sa tabi nila at nagsimulang makipagkwentuhan.
Tinanong ko kung ano ang mga napapansin nilang kakaiba kay Thalia.
"Heron, anong alam mo kay Thalia?Meron ka bang napapansing kakaiba sa kaniya? "
"Hmmm... Bakit bigla ka atang nagkainteres sa kanya Horus? " sabi ni Heron.
"OooOoohh mukhang pumapagibig ang ating Peace Officer ah" pahabol pa ni Fawn.
"Mga sira talaga kayo, gusto ko lang makaalam ng konting impormasiyon tungkol sa kanya. "
"Sige na nga, ito wag mong sasabihin kahit kanino. Onti lang ang mga nakakaalam nito pero noong Freshman pa tayo ay bali-balita na hinahanap niya daw ang kapatid niya dito sa Nevada School.,Naipasok din daw dito ang babaeng nakababata niyang kapatid pero hindi nya naman alam kung anong ngalan non" tugon ni Heron.
YOU ARE READING
DeadKid Wanderers
Science FictionIsang paaralan ang nilikha ng kasuklam-suklam na gobyerno sa loob ng Nevada,Area 51. Ipinapatapon dito ang mga estudyanteng nakaranas ng "life and death situation" upang matukoy at mapag-eksperimentuhan ng mga siyentipiko kung hanggang saan aabot...