"Welcome to Tetris, Press any Key to Start the Game"
RED•YELLOW•BLUE•ORANGE•GREEN
INSTRUCTIONS
1) Avoid falling Blocks
2) Climb Blocks to Reach the top where the Exit is located.
Lumabas sa screen ang pamagat ng Deadly Game na aming lalaruin.
Nag-salita ang Tele-Automata at binanggit ang mga kailangang gawin upang manalo.
"Look guys! There's some buttons" ani Viper,isa sa kasamang lumabas nila Thalia.
Mayroong limang iba't-ibang kulay na pindutan na magpapasimula ng laro.
"Huwag muna kayo pumindot. Let us examine the room first!" suhestiyon ni Virtus.
Sumang-ayon naman ang lahat at nagsimulang libutin ang kwarto.
Walang ibang pinto kung hindi ang dalawang aming mga pinanggalingan.
Nakakandado na ito mula sa labas kaya naman ay hindi namin ito mabuksan muli.
Ang tagubilin ng Tele-Automata ay nasa itaas ang labasan mula rito.
Hindi pa namin makita ang exit dahil mataas ito mula sa aming tanaw.
Kinapa ko ang bawat sulok ng pader,nagbabakasakaling may pindutan din tulad ng sa Padded Room.
Ginaya ako ng mga estudyanteng bago pa sa aking paningin.
Nagsalita ang isang lalaki na ngalan ay Ox, isang Senior High student, malaki at maskulado ang katawan.
"Alam ko na hindi tayo mabubuhay lahat mula dito... Kung pwede ay magpakilala tayo sa isa't-isa upang kahit tayo ay mamatay, mayroong taong alam na tayo ay nag exist. " patawang sabi niya.
Sa simpleng pangungusap niya ay kahit papaano'y napagaan ang takot na nararamdam ng bawat isa.
Mahirap nga namang isipin na walang silbi ang iyong pagkakakilanlan kung mawawala ka sa mundong ito na walang sinuman ang may alam na ikaw ay minsan ding namuhay.
Walang kasiguraduhan kung makakatakas kaming lahat dito sa palarong ito.
Kaya naman ay sumang-ayon ang karamihan kabilang na ako.
Lumapit kami mula kay Ox maliban kina Thalia at Virtus na seryoso sa pagsusuri ng kwarto, bumuo kami ng pabilog na posisyon.
Nagsimula sa kaliwang bahagi, nauna si Fawn.
"Um, hello guys... Ako nga pala si Fawn. Kaklase ko sila Thalia,Heron ,at Horus.Alam kong medyo may pagka boyish ako pero to clarify po, I'm still a girl. " ani niya.
YOU ARE READING
DeadKid Wanderers
Science FictionIsang paaralan ang nilikha ng kasuklam-suklam na gobyerno sa loob ng Nevada,Area 51. Ipinapatapon dito ang mga estudyanteng nakaranas ng "life and death situation" upang matukoy at mapag-eksperimentuhan ng mga siyentipiko kung hanggang saan aabot...