Chapter 14

10 1 6
                                    

Amber POV

GULAT ang naramdaman ko ng pagtalikod ng lalaking tinapik ko. Siya nga si Asher, siyang- siya. Hindi ko inaakala na dito ko pa siya makikita. Sa dinami-dami ng lugar na pwede ko siyang makita dito pa. Tadhana na siguro ang naglalapit sa amin. Napakaliit talaga ng mundo, parang kanina lang sinabi ko na imposibleng andito siya pero ngayon kaharap ko na siya.

Mukhang 'di rin inaakala ni Asher na andito ako, it was all unexpected. Ngayon nakatingin lang kami sa isa't isa. Puno ng katahimikan, walang may balak mag umpisa ng usapan sa pagitan naming tatlo. Gulat na gulat pa rin kami na nakita namin siya sa exhibit.

Tiningnan ko si Fay, at sa mga tingin niya palang alam ko na siya na ang unang magkikusa na magsalita sa aming tatlo. Napakatahimik na, sanay ako sa katahimikan pero ngayon iba eh. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko nga alam paano simulan ang usapan.

"Uhm, hi Asher" sabi ni Fay sa kanya habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya hbang nakangiti. Hindi ko nga alam bakit ako nakangiti.

"oh hello, Fay and to you Amber" sabi ni Asher, ewan ko ba pero tuwing nagsasalita siya parang lalo lumalalim pagtingin ko sa kanya yung accent niya kasi. Pero sa totoo lang minsan naiinis ako kasi feeling ko nagiinarte lang talaga itong lalaking ito sa akin.

"hello" sabi ko ng mahina, nahihiya ako bakit ba. Sino bang hindi mahihiya, kahit sino naman atang tao mahihiya kung sila ang nasa sitwasyon ko.

"By the way Asher, what brings you here?" tanong ni Fay. Hindi ko alam ano pumasok sa utak ni Fay bakit niya tinanong yon, dapat hinila ko nalang pala siya palabas. Ano kayang pumasok sa utak ng babaeng sa utak niya at sa dinami-daming tanong na dapat na maitanong iyon pa ang tinanong.

Agad na sinagot ni Asher ang tanong ni Fay sabing " i just want to be at peace atleast for today". He just wants to be at peace just for today at least; to be honest, he's the most private person I know. Though I know he's the campus crush, barely a few people knew about his life and story. I wonder what it is; I want to know him more.

May phone na biglang nag ring, tunog ito ng tunog. Nagtaka kami kasi hindi namin alam kung saan yon, pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Imposible naman na sa akin yon, ah baka kay Fay yon. Tinignan ko siya at sinabing "Fay, tingnan mo nga kung sayo ang nagrring na phone".

Agad na tiningnan ni Fay ang phone niya at tumingin ito sa akin nang ng nakangiti. Bago niya sagutin ang tawag binulong niya muna ang mga salitang "Sorry hehe, sagutin ko na ang tawag na toh baka si crush eh. Para may kadate na din ako, hindi uro third wheel ako sa inyo" Bigla ko siyang hinampas sa braso niya kasi parang baliw ang dami pang sinasabi.

Hindi ko alam gagawin ko dito, gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako. I don't know how to start a conversation with him. Can someone tell me how because I don't really know. Kung alam ko lang na nandito siya edi sana makapag handa ako paano ko siya kakausapin. Sana bilisan na ni Fay doon hindi ko na talaga alam gagawin ko dito.

Nakabalik na rin si Fay kaso parang kakaiba kilos niya. Nagtinnigan kami ni Asher dahil hindi namin alam gagawin. Ngunit isa lang ang sigurado ako, kailangan ng comfort ngayon ni Fay kaya kaagad ko siyang hinagkan.

"Anong nangyari Fay? Sino ang tumawag sayo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa ospital daw sila mommy at daddy. May nakabangga daw kasi silang kotse tapos lasing pala ang nagmamaneho kaya naaksidente sila." ani niya. Nahalata ko sa mga mata niya na papaiyak na siya kaso pinipigilan niya lang.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at sinabing "Fay, puntahan mo na sila. sige na okay lang ako dito".

"Paano ka?" tanong niya.

First LoveWhere stories live. Discover now