Prologue

5 6 0
                                    

Pitong taong pa lang si Scarlet nang pagtrabahuin na siya ng kaniyang mga magulang.

Walang trabaho ang kaniyang ina at nasa bahay lang ito o kaya naman ay nasa sugalan.

Samantalang ang kaniyang ama naman ay laging naglalasing o kaya naman ay nangbababae ito.

Nagtatrabaho siya sa isang kainan bilang tagahugas ng mga plato at waitress rin.

"Hoy bata! Halika nga dito!" Galit na tawag sa kaniya ng kanyang boss.

"B-Bakit po boss?" Tanong naman nito at pinunasan muna ang kamay niyang puno ng sabon.

"Nakita ko yung mga hinugasan mo at nagrereklamo na yung mga costumer natin na may natitirang sebo pa sa plato nila!" Galit na saad ng lalaki.

Napayuko naman si Scarlet. Ni hindi man lang siya matawag ng boss sa pangalan nito.

"P-Pasensya na ho. Uulitin ko na lang po iyon," magalang na sagot niya.

Ayaw niyang matanggalan ng trabaho dahil tiyak na pagagalitan siya ng mga magulang nito.

"Hindi mo na kailangang ulitin! Lumayas ka na dito dahil tanggal ka na!" Pagtataboy sa kaniya.

Lumuhod siya rito at nagmakaawa. "Boss, wag niyo naman po akong tanggalin. Kailangan po nang pera ng mga magulang ko. Kailangan ko po nitong trabaho ko," pagmamakaawa niya at unti-unti ng tumulo ang kaniya luha.

"Wala na akong pakialam kung magutom ka at ang mga magulang ko! Problema mo na yan!" Sigaw ng boss niya at pilit siya hinihila palabas ng restaurant.

"P-Pakiusap po!" Pagmamakaawa nito.

"Kung hindi ka lalabas dito ay ipapakaladkad kita palabas!" Sigaw nito kaya napilitang tumayo si Scarlet at kinuha na ang mga gamit na naiwan saka ito lumabas.

Umiiyak siyang naglalakad sa kalsada habang papauwi siya sa kanilang tahanan.

"Oh? Bakit nandito ka na? Asaan na ang pera?" Bungad sa kaniya ng ama niya na kasama ang bago nitong babae.

Wala ang kaniyang ina sa bahay kaya siguro naglakas loob na dalhin ng kaniyang ama ang babae nito sa bahay nila.

"N-Natanggal po ako sa trabaho ko pa," malungkot na saad nito at pinunasan ang luha.

Pak!

Isang malamas na sampal ang natanggap niya mula sa ama.

Sinasaktan siya ng kaniyang mga magulang kapag wala siyang nadadalang pera o konti lang ang naibibigay niyang pera sa mga ito.

"S-Sorry po," tangging nasabi niya habang tulo ng tulo ang kaniyang mga luha.

"Paano na ako ngayon makabibili ng bagong damit ko kung wala ka naman na pa lang pera!?" Galit na sigaw ng babae sa ama ni Scarlet.

"Pagpasensyahan mo na ako mahal. Gagawan ko na lang ng paraan para mabilhan kita ng bagong damit," malambing na saad ng ama niya sa babae.

"At ikaw namang bata ka! Wala ka talagang silbi!" Galit na sigaw ng ama at tinulak siya ng malakas.

Tumama ang likod niya sa lamesa. Hindi na lang niya ininda ang sakit. Sanay na kasi siya sa pangaalipin at pananakit sa kaniya ng mga magulang niya.

"Hala sige! Umalis ka na sa harapan ko at maghanap ka na nang bagong trabaho mo!" Sigaw ng kaniya ama kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay para maghanap nang bagong trabaho.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang may humintong van sa tapat niya. Bumaba ang ilang kalalakihan at dinakip siya.

"Tulong! Tu~" hindi na natuloy ang sinasabi niya ng takpan nung isang lalaki ang bibig niya ng panyong may pampatulog.




Nagising si Scarlet sa 'di familiar na lugar.

Nakatali ang kamay at paa niya at may nakalagay ring tali sa bunganga niya para hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay.

Tumingin sa kaniya ang isang lalaking naka maskara at lumapit ito sa kaniya.

"Gising ka na pa bata!" Nakangisingn saad nito at hinawakan pa ang legs ni Scarlet na ikinailang niya.

"H'wag kang mag-aalala bata. Papatayin ka rin namin mamaya. Hihintayin lang natin si boss," nakangising saad nang lalaki.

Tumayo ito at umupo sa sofa para uminom ng alak.

Nang ilibot ni Scarlet ang kaniyang paningin ay doon niya napagtanto na hindi lang pala siya ang batang naroon. Marami pa silang nandoon at ang iba ay iyak ng iyak ngunit siya ay kalmado lang. Sanay naman na siyang saktan ng pisikal kung sasaktan man siya ng mga lalaki.

*BLOOOOOOGSH!*

Nakarinig ang lahat ng isang malakas na pagsabog.

Pumasok pa ang isang lalaki. "Hunt!" Tawag ng lalaki sa kasamahan niya.

"Oh! Bakit? Ano bang nangyayari doon sa labas?" Tanong nang lalaking nakaupo sa sofa.

"Nakapasok na ang kalaban nating Dark Ace Assassins!" Sigaw nang lalaki.

"Makikialam na naman ba sila sa atin!?" Galit na sigaw ng lalaking nasa sofa at nilabas ang baril nitong nakatago sa isang drawer at lumabas.

Naiwan ang mga bata sa loob ng silid. Ang iba ay iyak lang ng iyak habang pinakikinggan ang mga taong nagbabarilan sa labas.

Maya-maya pa ay bunukas ang pintuan. Sila yung mga kalaban na tinutukoy nung lalaki kanina.

"Wag kayong mag-alala! Ligtas na kayo!" Anunsyo ng lalaki.

Nakamaskara rin ito pero iba ang disensyo. Tinanggal na niya ang mga tali.

"Aalis tayo dito kaya wag kayo hihiwalay sa akin maliwanag ba?" Saad ng lalaki.

Lumabas sila sa silid na iyon at bumaba sa hagdan.

"Bilisan niyo na!" Saad ng kasamahan nung lalaking tumulong sa kanila habang nakikipagbarilan kasama ng iba pang kasama nila.

Pinulot ni Scarlet ang baril na nakita niya nung makita niya ang isang lalaking nakatutok ang baril sa lalaking kasama nila. Hindi iyon nakita o napansin nang lalaki kaya nagulat na lamang ito ng may marinig siya pumutok na baril mula sa kaniyang likuran.

Nanlaki ang mata nito maging ang mga kasamahan niya ng makitang binaril ni Scarlet yung kalaban.

Hindi na lang sila umimik at sumakay na sa sasakyan nilang van at umalis sa lugar na 'yon.

"Hindi ka ba natakot ng barilin mo yung lalaki?" Tanong ng isang lalaking tumulong sa kanila.

"Natakot naman po ako pero kung hindi ko iyon ginawa ay baka nabaril ka na po," paliwanag ni Scarlet.

"Teka lang! Bakit pala ang dami mong pasa sa katawan? Sila ba ang may gawa niyan?" Tanong naman nang isang babae na kasama rin nila.

Yumuko lang si Scarlet at umiling. "Magulang ko ang gumawa po nito," saad nito.

"Gusto mo pa bang umuwi sa inyo?" Tanong ng babae.

"Hindi na po. Pero wala naman na po akong tutuluyan kung hindi ako babalik doon," sagot ni Scarlet.

Wala naman kasi siyang kakilalang kamaganak o kaibigan na pwedeng tumulong sa kaniya kaya wala naman na siyang choice kun 'di tumira sa bahay ng mga magulang niya.

"Naghahanap kami ng mga batang i-tra-train para maging assassins. Kung gusto mo ay sumama ka na lang sa amin sa camp. May titirahan ka na doon at may makikilala ka ring mga kaibigan. Libre rin ang pagkain doon.

Nag-isip saglit si Scarlet pero kalaunan ay tumango ito at pumayag na sumama sa mga ito.

♤|TBC|♤

Be The Best [Assassination Series 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon