"Ano na ang plano mong gawin sa kaniya tutal naman ay napatunayan na na isa nga siyang spy?" Tanong ko nang makapasok sa office niya. Sa secret door ako dumaan para hindi halatang lagi kaming nag-uusap. Ayaw ko naman makahalata pa ang ibang spy at pagdudahan rin ako. "'Di ba isa sa batas natin na kapag tumiwalag ay kamatayan ang parusa?" Tanong ko pa. Kami lang ang may ganung batas sa buong assassination world. Sikat kasing magagaling ang mga nakakapasok sa team namin kaya marami ang gusto o nagbabalak mag-ispiya sa amin kaya nagkaroon kami ng ganung batas.
"Hindi pa niya oras. Pero sa ngayon ay bantayan mo lang muna siya at maghanap pa ng mas maraming impormasyon," saad niya. Pero alam ko na galit na siya at nagtitimpi lang.
"You may go!" Utos niya kaya aalis na sana ako nang magsalita uli siya. "BTW! I meet your liltle sister. Nararanasan rin niya ang mga naranasan mo sa mga magulang mo at nasa poder pa rin siya ng parents mo. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Welcome siya sa camp kung gusto niyang maging katulad mo," saad niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalaing may kapatid na pala ako.
Tsk! Ang galing nilang gumawa ng anak tapos sasaktan lang nila! Abay ang gagag* naman nila.
"I didn't know about her. But. I'll take care of her," saad ko at umalis na. Balak kong puntahan ang kapatid ko ngayon at kunin na ito sa mga magulang ko. Hindi nila deserve magkaanak kung sasaktan lang naman nila ito. Ayaw kong may makaranas ng mga napagdaanan ko.
Nakarating na ako sa lugar kung saan ako lumaki. Bumalik ang mga ala-alang matagal ko nang binaon sa limot. Ala-ala na ayaw ko ng alalahanin pa.
Nakamasid lang ako sa dati naming bahay hanggang sa may nakita akong isang batang babae na nasa 12 years old na siguro. Galing siya sa loob ng bahay. Marami rin siyang pasa tulad ko dati. Umiiyak siyang lumabas sa bahay. Sinundan ko lang naman siya hanggang sa pumasok siya sa isang maliit na casino. Ano naman kaya ang gagawin niya doon.
Pumasok rin ako sa loob at pinagmasdan ang gagawin niya. Nakita ko doon sina mama at papa na nagsusugal. Lumapit siya kay mama. Binaba naman ni mamam ang sleeve ng damit niya at pinalapit sa isang lalaki. So, ganyan pala ang ginagawa sa kapatid ko? Binebenta sa kung sino-sinong mga animal?!
Pinipigilan niyang mapaiyak dahil baka natatakot siya na saktan ng mga magulang namin. Hinihipuan na siya ng lalaki pero wala siyang magawa dahil natatakot siya.
Hindi ko na matagalan na panoorin ang ginagawa nila sa kapatid ko kaya nagpakita na ako sa mga magulang namin.
"I-Ikaw na ba yan Scarlet?" Nauutal na saad ni mama at sinubukan akong yakapin pero tinabig ko lang siya. "Oo! Ako nga! Nandito ako para kunin na sa inyo ang kapatid ko," saad ko at hinila ang aking kapatid para ilayo doon sa gag*ng lalaking 'yon.
"Ano bang ginagawa mo ha?! Ganyan rin naman sana ang gagawin mo kung hindi ka nawala!" Sigaw ni papa at sinampal ako kaso mabilis kong nakuha ang kamay niya na ipangsasampal sana sa akin at itinulak ko siya kaya napaupo siya.
"I-Ikaw ba talaga a-ang ate ko?" Umiiyak na tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Yes! At kukunin na kita sa mama at papa natin para hindi na ka na nila saktan o ibenta sa mga hinayupak na mga lalaking yan," saad ko. Nakita kong ngumiti siya na tita nabubuhayan at nakakita ng isa maliit na liwanag ng pag-asa.
Maya-maya pa ay tumawag si Alas sa akin.
"Hello?" Sagot ko.
["Si Alice ang nagpapatakbo ng casino na pinuntahan mo at papunta na siya diyan. Alam rin niyang ikaw si Luna kaya tapusin mo na siya,"] sabi niya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Be The Best [Assassination Series 1]
ActionBy: Angela_Writes Simula pagkabata ay naranasan na ni Scarlet ang magtrabaho para sa mga magulang nito at kapag wala siyang nadalang pera para sa kaniyang mga magulang ay sinasaktan siya ng mga ito. Sawa na siya sa mga ginagawa ng mga magulang niy...