"Pwede ba tayong mag-usap iha ng tayo lang?" Tanong ni Alas. Tumango lang naman ako at lumabas na muna sila kaya kaming dalawa na lang ni Alas ang naiwan dito sa loob.
"Hindi ko akalaing magiging boyfriend mo pala ang isa sa mga boss natin," nakangiting saad niya. Kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap ay hindi na siya gaano kanpormal magsalita.
"Nakiusap lang siya sa akin na magpanggap ako bilang boyfriend niya," sagot ko naman. Hindj naman siguro niya sasabihin sa daddy ni Caelan ang sinabi ko.
"Oh? I see," saad niya. "Any news about your mission?" Pagiiba niya ng usapan.
"Tuwing gabi ay sinusundan ko siya. At wala naman siyang kakaibang ikinikilos pero hindi pa rin ako titigil sa pagiimbestiga. Hahanapin ko na rin ang ilang mga spy na nandito," paliwanag ko.
Wala namang kakaibang ikinikilos ang assistant niya at lagi lang itong nasa bar na umiinom o kaya naman ay umuuwi lang sa bahay nila.
"Hindi ako nagkamaling pagkatiwalaan ka. Basta naniniwala akong matatapos mo ang mission na binigay ko sa'yo," nakangiting puri niya sa akin.
May mga sinabi lang siyang ilang karagdagang impormasyon sa akin saka pinaalis na rin niya ako. Nakita ko naman sila Caelan sa labas na naghihintay lang sa akin.
"Ano pinagusapan niyo?" Tanong niya ng makita akong lumabas na sa office ni Alas. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya ang pinagusapan namin kaya gagawa na lang ako ng palusot. Puro na lang kasinungalingan ang lalabas sa bibig ko, pero kailangan kasi eh.
"Wala naman. Hindi naman ganun ka-importante," saad ko. Nagbago na ang isip ko na magsinungaling at hindi ko na lang sinabi ang totoo. Pero pareho lang naman yun dahil nagsinungaling pa rin ako. Haist! Maiintindihan din niya iyon sa tamang panahon.
Umalis na kami doon. May sumundo namang isang kotse kaya sumakay na kami doon. Isa ring assassin ang nagmaneho nun.
[KINABUKASAN]
Nag-leave muna ako ng isang araw sa trabaho ko. At sabi ko lang na may pupuntahan ako. Pumayag kaagad si Caelan. Mabuti na lang at madali siyang kausap at pumayag kaagad hindi na yung madami pang tanong-tanong.
Kailangan ko kasing manmanan si Alice o yung assisstant ni Alas. Tinawagan kasi ang ni Alas kanina na hindi raw pumasok si Alice dahil may mahalaga daw itong gagawin. Mabuti na lang at nilagyan ko ng tracking device si Alice kaya malalaman ko kung saan siya pupunta.
Nagbihis na ako ng all black. Kinuha ko na ang bag ko na naglalaman ng ilang mga baril ko at isinuot na ang maskara ko. Humiram rin ako kanina ng kotse kay Alas para may masasakyan ako sa pagmamanman ko.
Nakita ko sa computer ko na nagpunta siya sa isang casino. Pero bago ako nagtungo doon ay bumili muna ako ng dress sa nadaanan kong boutique at isinuot iyon para hindi ako kahina-hinala kapag pumunta ako sa casino na 'yon.
Nagtext na rin muna ako kay Alas kung nasaan si Alice.
[To: Alas]
Nasa casino siya ngayon kaya susundan ko siya doon. Pero kailangan ko ng pera para makapasok ako.Yan ang text ko sa kaniya. Kaagad naman siyang naka reply sa akin.
[From: Alas]
Magpapadala ako ngayun din ng tao ko na magdadala ng pera.Yan ang text na natanggap ko mula sa kaniya. Hindi naman na ako nag-reply at hinintay na lang ang taong sinasabi niya na magdadala ng pera sa akin.
Lumipas ang sampung minuto ay may kumatok sa kotse kaya binuksan ko iyon at pumasok ang isang lalaking naka maskara.
"20 milyon yan. I-send mo raw kaagad ang pictures kapag natapos ka na," saad niya at binigay na sa akin ang cheke saka ito umalis. Pinaharurot ko na anh sasakyan patungo sa casino kung nasaan si Alice, pero bago ako bumaba ng sasakyan ay naglagay muna ako ng makapal na make up para hindi niya ako mamukhaan.
Pagkababako ng sasakyan ay pinapasok ako kaagaad ng guard dahil mukha naman daw akong mayaman. Malaki ang buong casino kaya baka mahirapan akong hanapin si Alice.
"Hey Darling!" Tawag sa akin ng isang lalako na nasa mind 30's lang siguro. Lumingon naman ako at ngumiti.
"Are you alone?" Tanong niya at lumapit sa akin. Isa siyang mayaman na negosyante at may hawak rin siya ng isang malaking mafia group kaya kailangan ko siya dahil baka siya ang magdadala sa akin kay Alice.
Ngumuso ako at tumango. "Yes. I think nobody wants me here," maarteng saad ko. Kailangan ko siyang akitin para isama niya ako. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan eh baka tinarayan ko na lang siya.
"That's not true. Gusto mo bang samahan ako?" Saad niya. Tumango lang naman ako.
Hinawakan niya ako sa bewang para mas mapalapit pa sa kaniya. Hinayaan ko na lang iyon kahit naiilang na ako. Nakarating kami sa isang table kung saan nandoon ang ilang mga mafia na nagsusugal. Doon ko rin nakita si Alice na malanding nakapulupot sa isang lalaki na mafia rin siguro. Tsk! Ang tanda-tanda na ang landi pa rin saka may asawa na siya.
Palihim akong nagrecord. Hindi naman kasi kaya picturan ang mga pangyayari kasi baka makahalata sila.
Puro lang naman sila sugal hanggang sa maging seryoso sila.
"Ano na pala ang balita sa pinapaprabaho ko?" Tanong ni Rafael o yung lalaking kasama ko. Nagkunwari naman akong nilalandi si Rafael para hindi nola mahalatang nakikinig ako sa pinaguusapan nila.
Tumingin si Alice at huminto muna sa ginagawa. "Maayos naman. Pero naghihinala na ako sa isang assassin na lagi niyang kausap," pagkukwento niya.
"Bakit? Sino bang assassin 'yon?" Tanong niya.
"Rank 1989 assassin siya pero kung ituring kasi siya ni Alas ay high ranking assassin. Kapag kausap niya rin 'yon ay pinapalabas niya kami sa office niya kaya hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila. Luna ang code name niya," inis na kwento niya. Hindi ko alam na kahina-hinala na pala kami. So, tama nga ang hinala ni Alas na baka isa siyang assassin. Pero ang tanong ay saan siya nagtatrabaho? Mukhanh hindi naman siya sa Hades nagtatrabaho eh. "Kung pwede ko lang talagang patayin yung Alas na 'yon ay matagal ko nang ginawa! Pero kailangan pa natin siya 'di ba?" Dagdag pa niya. Mukha siyang mabait kapag kaharap si Alas pero kapag nakatalikod ay gusto na niyo itong patayin.
"Magtimpi ka. Kulang pa ang nakuha nating impormasyon kaya hindi mo pa siya pwedeng patayin," saad naman ni Rafael. Tumango lang naman si Alice.
Nakaalis na ako sa casino na 'yon. Na-send ko na rin kay Alas yung na-record ko.
Pumunta na rin ako sa HQ dahil baka may iuutos pa siya sa akin.
▪︎▪︎▪︎|TBC|▪︎▪︎▪︎
BINABASA MO ANG
Be The Best [Assassination Series 1]
ActionBy: Angela_Writes Simula pagkabata ay naranasan na ni Scarlet ang magtrabaho para sa mga magulang nito at kapag wala siyang nadalang pera para sa kaniyang mga magulang ay sinasaktan siya ng mga ito. Sawa na siya sa mga ginagawa ng mga magulang niy...