Scarlet Luna's P.O.V
Si Gio ang last target ko. Isa naman siyang ordinaryong tao na may 3 anak na binubuhay. Isa siyang contraction worker. Kaya siguro siya nasali dito ay kinailangan niya nang pera.
Sa oras na ito ay nasa bahay na siya.
Nasa labas na ako ng bahay ng target ko.
Kaya ko bang patayin ang isang to? Paano na ang mga anak niya? Tsk! Bahala na nga.
Nakita ko siyang lumabas sa bahay upang magtapon ng mga basura. Kaya lumapit ako sa kaniya at tinutukan siya ng baril.
"S-Sino ka?" Takot na tanong nito.
"Assassin ako mula sa Dark Ace. Ang assassination team na ninakawan niyo ng milyon-milyong halaga ng pera," saad ko dito.
"P-Pasensya na. Nanganak kasi ang asawa ko kaya kinailangan ko ng pera. Pakiusap wag mo akong papatayin may mga anak ako," umiiyal na saad niya. "G-Gawin ko ang lahat ng gusto mo wag mo lang akong patayin," dagdag pa niya.
Napagisip ako saglit. Isa sa mga training o turo nila sa akin ay kapag nasa mission ako ay kailangang patayin ang emosyon para maging matagumpay ang mission na iyon. Magiging sagabal lang ang emosyon o awa sa mission. Pero, hindi ko tuluyang napatay ang emosyon na 'yon. Papalayain ko ba ang lalaking ito para sa pamilya niya o papatayin ko siya para sa pangarap ko?
Sh*t! Bakit ba kasi tinanggap ko itong mission na 'to? Pwede naman siguro akong tumanggi 'di ba?
"Hon! Bakit ang tagal~" nanlaki ang mata nang asawa niya ng makita ang asawa niya na tinutukan ko ng baril.
"A-Ano ang gagawin mo sa asawa ko?!" Sigaw ng babae. Mabuti na lang at walang makakarinig sa kaniya dahil malayo pa ang susunod na bahay.
"Wag kang lumapit, kun 'di papatayin ko itong asawa mo," banta ko rito.
Nanginginig ang kamay ko dahil sa pagdadalawang isip kung papatayin ko ba siya o hindi.
"Nakikiusap ako, w-wag mo nang idamay ang pamilya ko," pagmamakaawa ni Gio.
Mahal na mahal niyaang pamilya niya. Yan ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa mga magulang ko. Ayaw ko namang matulad ang mga anak nila sa akin.
Tsk!
Lumabas ang dalawa nilang anak. Lalakiang panganay at babae naman ang sumunod.
"Papa!" Sigaw nung babae at tumakbo papalapit kay Gio.
"Gia! Lumayo ka!" Sigaw nang nanay niya.
Tila walang narinig ang bata at patuloy sa pagtakbo papalapit kay Gio. Niyakap ng bata ang kaniyang ama at umiiyak itong tumingin sa akin.
"Please po! Wag niyo pong sasaktan ang papa ko. Mabait po siyang tao," pagmamakaawa ng bata.
"P-Pakiusap. Bata pa ang mga anak ko, at kailangan ko pang magtrabaho para sa kanila. Maawa naman sila," pagmamakaawa niya sa akin.
"Kung naaawa ka sa kanila, bakit hindi ka na lang nangutang sa gangster o mafia?" Tanong ko naman dito. Papautangin naman siguro siya ng mga gangster o mafia eh.
"Sinubukan ko pero walang gustong magpautang sa akin dahil baka hindi ko raw mabayaran," sagot naman nito.
Muti akong tumingin sa anak niyang babae na nakayakap sa kaniya. Umiiyak itong nakayakap sa kaniyang ama.
"Ngayon ko lang ito gagawin," saad ko. Ibinaba ko naman ang aking baril.
Tsk! Kung mamalalaman man ng mga kasamahan ang ginawa ko at maparusahan ako ni leader ay tatanggapin ko kung ano man ang kaparusahang ibibigay sa akin.
BINABASA MO ANG
Be The Best [Assassination Series 1]
ActionBy: Angela_Writes Simula pagkabata ay naranasan na ni Scarlet ang magtrabaho para sa mga magulang nito at kapag wala siyang nadalang pera para sa kaniyang mga magulang ay sinasaktan siya ng mga ito. Sawa na siya sa mga ginagawa ng mga magulang niy...