Chapter 1: New Work

4 5 0
                                    

"Congrats Luna!" — Daisy.

"Congrats!" — Dark.

"Congrats bhie!" —Ate Lily.

"Ang galing mo talaga Luna! Congrats nga pala!" —Kuya Poison.

Bati nga mga kasamahan ko. Si kuya Poison at ate Lily ang nag-recuit sa akin na magtrain dito. Ngayon ay isa na akong ganap na Assassin. Kaya pagbubutihin ko at gagawin ko ang best ko para tumaas ang rank ko.

May ranking kasi ang mga assassins dipende sa galing mo.

Rank 1985 si Daisy. Rank 1847 si Dark. Rank 27 si ate lily. Rank 13 si kuya Poison. At Rank 1989 naman ako kumbaga ang may lowest rank, pero gagawin lo ang lahat para ako ang susunod na maging rank 1 assassin sa buong assassination world.

"Thank you!" Cold na pagpapasalamat ko.

Simula nang tumungtong ako dito ay binago ko ang pagkatao ko. Naging cold ako at maattitude rin. Luna na rin ang tawag ng lahat sa akin dahik yun ang naging code name ko para protektahan ang identity ko. Ganun rin ang mga kasama ko. Hindi ko alam kung ano ang tunay nilang pangalan.

"So, ano na ang plano mo ngayon?" Tanong ni kuya Poison.

Napaisip naman ako. Kailangan ko na kasing umalis dito dahil tapos na akong magtraining.

"Hmmm... I need to get a job. At kailangan ko ring humanap ng matitirahan ko," sagot ko naman. Malaki rin naman ang kikitain ko sa pagiging assassin ko pero ayaw ko namang umasa lang doon.

Mababa lang ang rank ko kaya sigurado akong bihira lang ako makatanggap ng mission. 

"Good idea!" Puri ni Daisy.

"May iaalok ka bang trabaho sa akin?" Tanong ko naman.

Kung makapagsalita kasi ay para may iaakol siyang work sa akin eh. Alam ko namang pareho kaming jobless.

"Wala! Hehehe!" Saad nito at napakamot na lang sa ulo.

"Gaga!" Saad ko na lang dahil baka mahawaan pa ako sa kagagahan ng babaeng 'to.

"May kakilala akong owner nang isang gun store at naghahanap siya ng magbabantay doon tuwing weekends. Baka gusto ninyong mag-work doon tutal marami naman kayong alam about guns," suggest ni kuya Poison.

"Yeheey!" Sigaw ni Daisy.

"Kaso isa lang ang kailangan n'ya." ‐Kuya Poison.

Nawala ang ngiti sa labi ni Daisy nang marinig ang sinabi ni kuya.

"Ikaw na lang dun Daisy," pagpapaubaya ko.

Marami pa namana akong pwedeng pagtrabahuan maliban doon. Nakapagtapos rin naman ako nang pag-aaral ko kaya marami rin naman sigurong tatanggap sa akin.

"Are you sure?" Tanong ni Daisy.

Matagal na kasing walang trabaho si Daisy kaya mas kailangan niya yun kaysa sa akin.

Tumango na lang ako. Duh! Katamad talagang magsalita.

"Okie! Thank you beshy!" Saad niya at magpit akong niyakap.

"Sige mauuna na muna ako," pagpapaalam ko.

Tumango lang naman sila kaya umalis na ako.

Kailangan ko pa kasing maghanap ng bahay o appartment na tutuluyan ko.

Sumakay na ako sa taxi at umalis.

3 oras na ang nakalipas, mabuti na lang at nakadanap ako ng appartment. Malaki naman iyon kaya medyo malaki rin ang upa. Okay na rin ito kaysa sa kalsada ako tumira.

Be The Best [Assassination Series 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon