Scarlet Luna's P.O.V
"Oi best! Sino siya? Jowa mo?" Sunod-sunod na tanong ng gaga kong kaibigan.
"Boss ko siya! Gaga ka talaga!" Inis na saad ko. Napatawa naman siya.
Baliw na ata 'to.
"Punta ka na sa HQ! May bago kang mision," saad ni Ate Lily nang makasalubong ko siya sa pag-uwi ko.
Hindi naman na ako sumagot at umuwi na muna para malapagbihis.
May sumundo naman sa aking van patungo sa HQ.
Ngayon ang unang beses na pumunta ako sa HQ para sa isang mission.
Malaki sa loob at marami ring pasikot-sikot.
'Look! 'Di ba siya ang may pinakamababang rank sa buong assassination world?'
'Oo! Why is she here?'
'Sabi nila ay may mission daw siya,'
'Matatapos kaya niya ang mission na ibibigay sa kaniya?'
'Ewan ko lang ha! Mukha kasing weak lang yan!'
Ilan sa mga chismisan ng mga kapwa ko assassin.
Makikita rin nila kapag ako na ang naging rank 1. Ipapakain ko sa kanila ang lahat ng sinabi nila.
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretsyo na sa Head office ng pinakamataas o ang leader ng Dark Ace.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Makaupo sa parang trono si Alas o ang leader namin. May mga nagbabantay naman sa kaniyang nga assassins at kasama rin niya ang assistant niya.
"I will give you a mission. Sana naman ay matapos mo ito kaagad," bungad niya sa akin.
Nakaluhod lang naman ako. Malaking kaparusahan kasi kapag hindi ka lumuhod kapag ipinatawag kaniya o kaya naman ay hindi mo siya iginalang. Pero sabi naman ng iba ay mabait naman talaga si leader.
"I'll do my best to finish the mission," saad ko naman.
"Good," saad niya.
Nakita kong may inabot siyang folder sa assistant niya. Lumapit naman sa akin yung assistant niya at binigay sa akin ang folder na binigay sa kaniya ni Alas.
"Yang tatlong taong nasa folder na yan ang mission mo. Kailangan mo silang mapatay ngayong gabi mismo at makuha ang perang ninakaw nila sa mafia," paliwanag niya.
Tumango naman ako at umalis na.
Dahil sa may mission ako ay pinahiram rin nila ako ng van na gagamitin ko at paglalagyan ng bangkay ng mga target ko.
Ang first target ko ay si Mika. Isa siyang prostitute sa Rain Bar.
Sigurado akong sa oras na ito ay nagtatrabaho pa siya kaya dali-dali akong nagtungo sa bar.
Ayon sa description ay blonde ang kulay ng buhok niya. Nakalagay rin doon ang mukha ng target ko.
Hindi ako pumasok sa bar dahil baka may ibang assassin ang nandoon at baka mahuli pa ako.
Nakita ko na siyang lumabas sa bar kasama ang isang lalaki kaya sinundan ko sila. Pinulpok ko ng baril yung lalaking kasama niya para ito ay makatulog. Hindi naman kasi siya kasama sa misyon ko.
Napatingin sa akin si Mika at nung pagharap pa lang niya ay binaril ko na kaagad siya sa ulo.
Mabuti na lang dahil malapit lang yung van sa sasakyan ko kaya hindi na ako mahihirapang isakay ang bangkay niya sa van.
BINABASA MO ANG
Be The Best [Assassination Series 1]
ActionBy: Angela_Writes Simula pagkabata ay naranasan na ni Scarlet ang magtrabaho para sa mga magulang nito at kapag wala siyang nadalang pera para sa kaniyang mga magulang ay sinasaktan siya ng mga ito. Sawa na siya sa mga ginagawa ng mga magulang niy...