Chapter 5: Pretending Innosent

3 3 0
                                    

Nakabalik na ako sa office nang makita ko si Scarlet na walang ginagawa kaya lumapit ako sa kaniya para kausapin.

"Ano yun sir?" Tanong niya ng makita ako. "May ipapagawa po ba kayo sa akin?" Tanong pa niya.

"Mag-dinner tayo mamaya. May gusto lang akong sabihin at ipakiusap sa'yo," saad ko.

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at umalis na.




"Ano ba yung sasabihin mo sa akin?" Tanong niya. Sinabi ko kasi sa kaniya noon na kapag wala na kami sa office ay hindi na niya kailangang tawagin akong sir.

"Pinatawag kasi ako kanina ni daddy at may ipinakilala siyang babae," paguumpisa ko. Nakatingin lang naman siya sa akin at nakikinig. "Then sabi niya na yun daw ang magiging fiancé ko eh hindi ko naman type yung babae kaya gumawa ako nh palusot," saad ko at napahinto muna saglit.

"Ano namang palusot yun?" Tanong niya.

Uminom muna ako ng coffee bago nagsalita. "Sabi ko na may girlfriend na ako kahit ang totoo ay wala naman talaga," saad ko naman. "Kaya makikiusap sana ako na magpanggap kang girlfriend ko kahit 2 months lang," pakiusap ko naman dito. Sana naman ay pumayah siya. Wala na kasi akong kilala na pwedeng magpanggap bilang girlfriend ko eh.

"Wait... What?! Me?!" Naguguluhang tanong niya.

"Why me?" —Scarlet.

"Wala na akong ibang mapakikiusapan eh. Please..." pagmamakaawa ko dito.

"No. I can't," sagot niya.

"Sige na," pagmamakaawa ko.

"Okay. But i have a condition."

Nabuhayan ako sa sinabi niya. Mabuti naman at mapapapayag ko na siya. Pero ano naman kaya yung kondisyon niya? Sana madali lang.

"Kailangan lagi mo akong ilibre," saad niya.

Kaagad akong pumayag sa condition niya dahil madali lang naman ang gusto niya.

"Pero. Hindi ako pwedeng lumabas paggabi," dagdag pa niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

Curious lang naman ako sa kaniya at sa buhay niya lalo na at mag-isa na lang niya sa buhay dahil patay na ang mga magulang niya. Wala din naman daw siyang mga kapatid.

"Basta! Wag mo na lang alamin," sagot niya kaya hindi ko na lang pinilit kasi baka magbago pa ang isip niya.

Maya-maya pa ay may narinig kaming malakas na putok ng baril at pumasok ang mga armadong mga lalaki. Sigurado akong mga assassins sila na ipinadala ng Hades.

Ang Hades ay isang mafia group na kalaban namin. Dark Hell naman ang pangalan ng mafia group na kinabibilangan ko.

"Wag kang lalayo sa akin," saad ko at inilabas ang baril na nakatago sa likod ko.

Scarlet Luna's P.O.V

Nagulat ako nanh maglabas ng baril si Caelan.

Tumayo siya at nakipagtutukan ng baril sa mga assassins na sumugod dito sa restaurant.

Assassin rin ba siya katulad ko? Pero kung assassin siya ay hindi siya basta-basta maglalabas ng baril. Baka isa siyang mafia?

"B-Bakit may baril ka?" Nauutal ko tanong. Hindi naman ako pwedeng maglabas ng baril dahil baka malaman niyang assassin ako kaya magpapanggap na lang muna akong inosente.

Hindi naman siya sumagot at nanatiling nasa lalaki ang attensyon niya.

"Ano ang ginagawa niyo dito?!" Galit na sigaw niya sa mga assassins.

Be The Best [Assassination Series 1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon