Kabanata 49

173 5 0
                                    

Kabanata 49

Every now and then, palaging iniisip ni Seline kung bakit ang lahat ng iyon ay nangyari sa kaniya. Kung bakit sa milyong-milyong tao sa mundo siya pa ang napagtripan ng kapalaran para kunin ng maaga ang anak niya. Sa totoo lang, alam niyang sinisisi niya si Phil upang may mapagbalingan. Upang may mapagbuntungan sa sariling kapabayaan. Ngunit dahil katumbas ng pagmamahal niya sa anak ang pagmamahal kay Phil at labis naman kaysa sa kaniyang sarili ay narito siya. Narito at nakaupo sa kandungan ng binata habang kapwa ninanamnam ang mainit na bukal.

But why is that? Why did she really stay even if she knew that Phil was as wrecked as she was? It was as simple as the quotation, "In the universe full of stars, the moon is my favorite," meaning to say, in the world full of men, she will only choose him. And maybe that is what love is: choosing someone over many choices repeatedly.

Isang malakas na pitik ang nakuha ni Seline sa binata na siyang dahilan ng pagpikit niya mula sa pagkakatulala.

"Aray!"

"Anong iniisip mo?" Doon nabaling ang tingin ni Seline sa binata. Hindi niya napigilang katitigan ito. Mula sa may kahabaa nang buhok nito, morenong kutis, matangos na ilong, makapigil hiningang linya ng panga, mapulang labi at matang mapangakit; hindi na napigilan ni Seline ang mapangiti. Kung tutuusin higit pa sa pisikal na anyo ang nagustuhan niya sa binata. Hindi rin naman dahil lang sa mabait ito. Sa totoo lang hindi niya alam, kung may alam man siya, isa lang iyon. Gusto niya talaga ang binata kahit gaano man kagulo ang ugali nito.

"Staring is rude, woman." Nauwi sa pagtawa ang ngiti ng dalaga nang makita niyang pinamumulahan na ng mukha si Phil. "Tingnan mo 'yan, tinawanan pa ako."

"I have a question, Phil." Doon naging seryoso ang mukha ng binata. Walang imik na naghintay ito sa sasabihin niya habang hinahawi ang ilang hiblang humarang sa kaniyang mukha.

Nang mabaling ang paningin ni Seline sa kalangitan ay unti-unti nang nahahawi ang mga ulap tanda na malapit na nilang masilayan ang buwan. Isang malungkot na ngiti ang pinakaawalan niya bago nagsalita.

"Naiisip mo ba ako everytime na humahalik ka ng ibang babae?" Natigilan si Phil sa tanong niyang iyon gayunpaman ay agad na sumagot.

"Malimit."

"Anong nararamdaman mo?"

"Nadi-disappoint."

"Huh?" Doon na muling ipinatong ni Phil ang ulo niya sa balikat ni Seline.

"Nakaka-disappoint kasi walang makapantay sa'yo." Nakinig si Seline sa mga sumunod nitong sinabi. "My Dad left us when I was young, you know that. Kaya naman tumatak sa isip kong lahat ng tao iiwan ako. Lahat ng tao hindi mag-i-stay." Bahagya pa itong umiling. "Kaya nasanay ako na binibigyan nang durasyon ang itinatagal ng bawat taong nagugustuhan ako. Kagaya ng kung paanong nasanay akong iwasan ang mga nagugustuhan ko at piliin ang mga taong nagkakagusto sa akin para makaiwas sa sakit sakaling iwan ako." Huminga si Phil ng malalim dahilan ng pagpikit ni Seline. Nararamdaman niya kasi ang hangin na mula dito sa kaniyang leeg. "At dahil nasanay ako sa ganon, sana'y din ako na matapos dumaan ang isang tao sa akin; ang sumunod na darating ay tiyak na lalamangan ang nauna. Kaya mabilis lang sa akin ang mag-move on." Hindi napigilan ni Seline ang mapabuntong hininga kasabay ng muling pagmulat. Talagang malalim pala ang sugat na ginawa ng ama nito sa binata para maapektuhan ng ganito ang pananaw niya sa mga tao sa paligid niya.

"Kaya nang makilala kita at malaman ko sa mga kaklase mo na gusto mo ako noon Seline. Tinimbang ko na kung gaano katagal mo akong magugustuhan. Pero dahil kaibigan kita, ayokong iwan mo ako kaya hindi ko tinugon ang nararamdaman mo para sa akin. Kapag naging tayo, magbebreak din tayo, tapos ano? Iiwan mo lang din ako." Natigilan si Seline sa biglang binitawan nito kung kaya naman dagli siyang humarap sa binata.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon