Kabanata 30

241 7 0
                                    

Kabanata 30

When the world at night is covered with clouds, that doesn't mean the moon is not there. That thing was deeply forgotten by people who only looked at it when it shone so bright and radiantly that everyone couldn't help but to notice. People like us sometimes tend to forget that even in our darkest nights, there is the moon that, after the rain as the clouds pass by, will greet them hello and make them feel that everything is okay.

"Mr. Mendez! Talaga po bang hindi sinadya ang pagcrash ng eroplano?"

"Sir! Ano pong masasabi ninyo sa pamilya ng mga nasawi?"

"Sir! Nasaan po kayo nang mangyari ang insidente?"

"Sir! Sir! Wait lang po! Maari ninyo po bang sagutin ang alegasyon patungkol sa hindi na-check ng maayos ang eroplano ninyo mula sa New Guinea?"

"Sir! May technical failures po bang nangyari sa S Air 137?"

Sari-saring mga tanong mula sa mga nagdagsaang reporter ang sumalubong kay Phil nang makarating siya sa hospital kung saan dinala ang mga biktima mula sa Tayabas Quezon. Walang panahong inaksaya si Phil at kinausap ang mga tao sa pinangyarihan ng insidente at kung may napinsala ba sa nangyari. Maging ang eroplanong sa kabutihang palad ay hindi naman sumabog ay chineck niya ngunit hindi na siya pinapasok ng mga nagiimbistiga at ng mga kasundaluhan na nakabantay sa insidente. Matapos ay dumiretso siya sa AES Hospital sa Tayabas.

"Pasensya na po, hintayin ninyo na lang po ang official statement namin bukas, " anang ni Chad na nakasunod lamang kay Phil na walang imik. May mga gwardya na din ang humarang sa mga reporters na nais makakuha ng scope sa pangyayari.

"Pero sir! Baka naman po makahingi kami ng kahit konting detalye patungkol sa-"

"Sir! Sir! Sir!"

"Pasensya na po talaga, bukas po ang official statement ng S Airlines patungkol sa insidente. Marami pong salamat."

Hindi na pinansin pa ni Phil ang mga reporters at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad papasok. Sa loob ay walang ngiti ni paglingon sa paligid siyang nagtungo sa emergency room para kamustahin ang lagay ng mga biktimang nasugatan at napinsala ng mislanding.

"Sir, tumatawag po ang papa ninyo, " bulong sa kaniya ni Chad nang lumiko sila ng hallway.

"Don't answer unnecessary calls."

"Copy sir."

Dire-diretso lang sa paglalakad si Phil na kaya naman halos hindi na niya napansing nadaanan na pala niya si Seline na galing sa emergency room. Isa siya sa mga tumulong na para maihatid ang mga nasugatan sa hospital para magamot agad. Matapos nilang mag-rounds para makita kung gaano kalawak ang nasakop ng insidente ay tumulong na rin si Seline.  Ngayon niya balak mag-report  kay Captain Ramos dahil naidala naman na sa hospital ang lahat ng biktima.

"Basang-basa siya ng ulan." Hindi napigilan ni Seline ang maibulalas iyon. Malaking tulong ang ulan kung kaya hindi kumalat ang apoy at sumabog ang S Air 137. Ngunit nang balingan ni Seline ang wall clock sa hindi kalayuan ay pumatak na ito ng halos alas 3 ng madaling araw.

Nagaalala talaga siya sa binata kung kaya naman bumalik siya at sumunod sa ER. Ngunit sa pagtungo ni Seline doon ay siya naman niyang nasaksihan ang malakas na pagsampal sa mukha ng isa sa mga pasaherong namatayan kay Phil.

"Walang hiya ka! Pinatay mo ang anak ko! Anong ginawa ninyo sa anak ko! Ibalik mo siya hayup ka!" Nagwawala ang matandang sa palagay ni Seline ay edad 70 na.

"Madam, kumalma muna po kayo." Pilit na pumapagitna ang sekretarya ni Phil habang tahimik namang pinanood ni Seline ang pangyayari.

"Teka, iyan ba ang hayup na may-ari ng palpak na eroplanong iyon!"

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon