Kabanata 67

1.5K 48 30
                                    

Kabanata 67

Practice
June 26 2019

Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko. Hindi ako maaaring malagutan ng pasensya sa pagtuturo. Walang mangyayari sa practice namin kung mismong ako na leader ang mawawalan ng pasensya.

Phil, habaan mo pa.

"Ganito guys, dapat pataas ang pagkanta ng lines na 'yan."

Bilang leader ako ang naatasang magturo ng Jingle namin. Lahat kami ay Humanities and Social Sciences ang strand, 1 to 4 ang section at halos 30 din ang total namin na nag-participate mula sa iba't-ibang section. Kahit medyo nakakapagod, worth it naman kasi nakikita ko namang nakikinig sila. Iyon nga lang may iba na ang hirap talagang pakisamahan.

"Malnutrisyon!"

"Ulit!"

"Malnutrisyon!

"Isa pa!"

"Malnutrisyon!"

Doon na ako napahinga ng malalim. Maigi naman at naging maayos na. Monday ngayon at wala kaming pasok. Tuesday, Thrusday at Friday kasi ang pasok namin. Kaya naman ito ang napili naming araw para mag-practice. At dahil wala naman kaming ibang lugar na mapagpa-practice-an ay napili naming mag-practice sa may parke ng Merzheil City. Malas na lang kung umulan.

"Okay guys, buohin na natin."

Lahat sila ay tumango sa akin.

"In five, four, three, two, one."

"Malnutrisyon ay wakasan maging aktibong kabataan!"

Nabaling ang aking atensyon kay Seline na siyang naunang kumanta niyon. Pakunwari ko siyang sinamaan ng tingin, palagi na lang kasi siyang nagkakamali sa practice namin. Kita ko iyon dahil siya ang laging nasa harap. Maliit kasi, bukod doon hindi ko rin alam kung bakit ako napapatingin lagi sa kaniya. Basta natutuwa akong makita ang kilos niya, para kasi siyang minion.

Muli ay pigil akong napatawa.

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" Tila asar nang puna niya sa akin. Namumula-mula pa siya. "K-Kanina ka pa, ako na lang lagi ang napapansin mo." Ngumuso ito at may kung anong ibinato sa akin. Subalit ang hindi ko inasahan ay ang pagderetso niyon sa bibig ko.

Damn it! Buhangin ba iyon?

"Pwe! Pwe!" Panay tuloy ang pagalis ko sa maliliit na bato sa bibig ko.

"Ay, hala sorry!" Napailing na lang ako at hindi na lang iyon pinansin.

Kahit kailan talaga.

Nang tuluyang matanggal ang buhangin ay pinagpatuloy ko na ang practice namin. Actually ito na ang last practice kaya umaasa ako na matatapos namin ng maayos bago kami magayos ng props bukas. Kaya lang mukhang hindi kagaya ko ang nais nila. Sa Saturday pa naman na ang event for nutrition month.

"From the start!" hiyaw ko na. Agad namang sinunod ng bawat isa. Umiinit na talaga ang ulo ko sa ginagawa nila. Ang sistema ay ginagawa na nilang asal ang practice na inayos ko para masungkit ang championship. "Umayos naman kayo guys!" Sa muli kong sigaw ay bumalik sila sa unang pormation. Nauwi sa buntong hininga ang inis ko bago napiling manood muli sa kanila.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon