Kabanata 14
October 20 2019
School Field TripSuot ang manipis na puting see through at short-shorts ay lumusong si Seline sa malawak na swimming pool ng resort na siyang pinagdarausan ng kanilang field trip at intramural na din. Buong resort ay i-ni-sponsore-an ng pamilyang Blanco kaya naman pamasahe at pagkain lang ang ambagan nila. Gabi na sumabalit mas napili niyang ngayon magtampisaw doon kaysa kaninang tanghali. Abala kasi kanina ang lahat sa paglalaro ng volleyball, e hindi naman siya intresado sa ganong laro.
♪Nung tayo'y mga bata pa♪
Actually sumama lamang naman ang dalagita para makita si Phil na isa sa mga SSG officer at mga kawani ng event ngayong araw. Talagang nagipon siya ng pera para lang makasama subalit sa sobrang abala ni Phil ngayong araw ni anino nito ay hindi na niya nakita.
"Be, kukuha lang ako ng pagkain sa catering nagugutom na ako e!" Iyon ang huli niyang narinig mula sa kasamang si Daniella bago siya muling lumubog sa tubig. Seline was doing freestyle bago niya naisipang sumisid sa pinakailalim upang mas mapakinggan ang nakabibinging katahimikan.
Madilim na rin sa ilalim at kung hindi lang dahil sa blue light sa bawat gilid ng pool ay wala na siyang makikita. Makulimlim rin kaya nang tanawin niya ang langit mula sa ilalim ay wala naman siyang nakita.
Mukhang uulan pa yata.
Nang mapansin iyon ay doon na siya lumangoy paahon. Doon niya namalayang umaambon na nga.
Malas, ngayon pa lang ako mag-e-enjoy e!
Nais ng dalagitang magreklamo sa nangyari. Ngunit kung tutuusin ay kasalanan din niya. Siya itong panay ang paghahanap kay Phil kanina. Tuloy ay hindi na niya nagawang makapag-enjoy.
Gayunpaman nang aakyat na siya sa may hagdan paahon sa pool ay sinalubong naman siya ng tuwalyang sumaklob sa ulo niya. Kunot noong padarag niyang tinanggal ito.
BINABASA MO ANG
Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHED
ActionPilot Captain Phil Mendez Completed A good friend told me about the story of the moon that has been captured by the Earth. That is why the moon rotates around the Earth. I was like the moon that was captured by him, who seductively rotated around to...