Kabanata 52

262 8 0
                                    

Warning: Mature Scene Ahead!

Kabanata 52

Morning comes at sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang halos isang dekada ay nakatulog na rin ng mahimbing si Seline. May kung anong kapayapaan siyang nararamdaman sa bisig ng binata. Ang mainit nitong yakap, mabangong amoy at makapanindig balahibo nitong hininga na nararamdaman niya sa kaniyang leeg ay talagang nagdudulot ng kaginhawaan sa dalaga.

Doon na nagmulat si Seline. Agad namang bumungad sa kaniya ang mukha ni Phil kung saan nakatingin lang ang naturang lalaki sa kaniya. Tila sinasaulo nito ang bawat parte ng mukha niya. Kaya naman napangiti siya. Kung titingnan kasi si Phil ay pawang in love na inlove ito sa kaniya.

"Good morning," bati niya sabay ngiti at muling isiniksik ang sarili sa binata. Mukhang binuhat siya nito nang makatuluugan niya ang bianata sa may batuhan kaninang madaling araw. Halos naubusan siya ng lakas sa binata kaya naman ang katawan na niya ang kusang sumuko.

"Good morning din, Theia." Naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang ulo. Bahagya pa nitong hinahawi ang buhaghag niyang buhok at pinaglaro iyon sa daliri niya. "Ang ganda-ganda mo talaga kapag nasa kama ka. 'Wag ka na lang kayang umalis dito?" suwestyon nito.

Doon na siya napaamang at bahagyang napalayo dito.

"Ano 'yon, sa kama lang ako maganda? Ganon ba?" nakamungot na tanong niya. Bwiset talaga ang binata, hindi niya alam kung compliment ba iyon o nangaalipusta na ito.

"Hindi naman." Inilapit ni Phil ang ilong nito sa ilong niya at doon nakipaglaro. "Maganda ka naman kahit saan, iba lang talaga ang ganda mo sa kama." Nakakagat labi ang anak ng kuto. Doon na nahagilap ni Seline ang unan sa gilid at malakas na hinampas iyon sa mukha ng binata.

"Utot mo!" Sobrang korni na nito at hindi na iyon nakakatuwa.

"Ouch! That hurts!" Binelatan niya ang binata bilang sagot dito at akma na sanang tatayo nang bigla siyang higitin ng binata ang bewang niya kasabay ng biglang pagbangon nito. Sa sobrang gulat niya ay hindi na niya napaghandaan ang biglaang pagsakop ng labi ng binata sa nakadila niyang nakadila. Halos mapataas ang dalawang kamay ni Seline sa gulat at talagang kung maaring lumuwa ang mata ay iyon ang nagyari sa dalaga nang maramdaman niya ang pagsipsip ng binata sa dila niya. Nang humiwalay na ito ay talagang napataklob si Seline ng labi niya.

What the hell is that!

"Speechless e?" He even lick his lips bagay na nakapagpalunok kay Seline. Ngunit kalaunan ay nauwi sa paghampas sa binata.

"Pakyu ka! What is that?"

Tawang-tawa ang binata habang sinasalag ang mga hampas niya.

"A good morning kiss baby, aren't you aware of that?" Tumawa pa ito lalo.

"Anong klaseng pauso mo 'yan? May ganon bang halik! Hayup!" Pinagsisipa na niya ang binata this time na panay pa rin ang tawa. Napagod na lang at lahat si Seline ay patawa-tawa pa rin ang loko. Kaya naman bilang pahabol ay hinampas na lang niya ng unan ang mukha nito.

"Loko-loko!"

"Okay I'm sorry, won't do it again." Pilit pa itong nagpipigil ng tawa. Bumuntong hininga na lang si Seline bago kinuha ang phone niya sa may side table. Nang makitang wala namang importanteng mensahe ay tinungo niya ang camera at walang pakeng pinicturan ang kasintahang walang kahit anong suot.

"Oh God! Delete that Seline." Ngumuso si Seline at nag-selfie na this time. Hindi alintana kung tanging malambot na kumot lang ang nakatabing sa katawan at walang suot si Phil. Nagkipag-selfie siya at ngumiti pa ng masaya habang hindi naman magkaigi sa buhay ang binata. Simangot at tila pinagbagsakan ng langit at lupa.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon