Kabanata 11

1.7K 72 96
                                    

Kabanata 11

Grand Ball Aftermath
March 26 2021

Whenever Seline read novels about a female character waking up after a streamy night with the male character she's in love with, Seline always place herself on the shoe of the female lead. She always look forward how will it feel when your man cook you breakfast in bed. Treat you like a princess and serve you like a queen.

Kaya naman nang araw na iyon ay nakangiting sinalubong ni Seline ang umaga dala ang kaganapan na ilang ulit nangyari kagabi. Kinapa niya ang katabi, umaasang mayayakap ang lalaking naghatid sa kaniya ng pakiramdam na tila ba abot kamay niya ang buwanNa tila ba dinala siya nito ng literal sa buwan kagabi.

Subalit, wala ito.

Takang nagmulat si Seline ng mata at sinigurado ang kakaibang nararamdaman. Kinakabahan.

"Phil?" pagtawag niya sa pangalan ng binata nang hindi niya ito mamataan doon.

Balot ng kumot na nagtungo siya sa banyo para hanapin doon ang binata. Bagamat masakit ang pagkababae at nahihirapan sa paggalaw ay pinilit pa rin ni Seline.

"Phil?" muli niyang pagtawag dito ngunit wala rin ito doon. Lumabas siya ng kwarto at chi-neck niya ang buong unit, subalit wala na ang lalaki.

Wala na ito.

Doon na nilukob ng kaba ang buong pagkatao ni Seline. Iba ang expectation niya sa nangyayari ngayon. Hindi na tuloy niya mapigilan ang panlalamig ng kaniyang kamay.

Gayunpaman huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili.

"Siguro ay lumabas lang siya, " pagkumbinsi ng dalaga sa sarili bago pilit na ngumiti. Nang mga oras na iyon ay walang ibang nagawa si Seline kung hindi ako tingnan ang sariling repleksyon sa window paint.

Nais niyang magisip ng matuwid. Ayaw niyang mag-overthink subalit sa bawat pagpatak ng segundong nananatili siyang nakatayo habang naghihintay ay nawawalan siy ng pagasa.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon