Part 1

880 27 1
                                    

Vee's POV

I am Vee Villaluna, 18 years old, currently taking business management, 3rd year college na ako kaya medyo busy sobrang daming majors. i am also one of the writers for our school papers. sa dami kong ginagawa wala na akong time sa sarili ko hahaha pero buti na lang namamanage ko kahit papano 


"vee are you done? lunch na tayo, inaantay kana ata ni jennie" lance. sya yung editor ng school papers namin. dito ko na sya naka close since iba rin naman course nya


"ah okay sige, tapos na rin to" tinapos ko lang yung sinusulat ko and sabay na kaming lumabas ng office


"yieeeee ang love birds!!" narinig ko si jennie, andito pala sya sa labas ng office nag aantay


"siraulo ka talaga" sabi ko pagkatapos eh hinampas ko ang braso nya


aaminin ko na gwapo si Lance, pero parang impossible naman na magkagusto sakin to, eh sino ba naman ako? di naman yan papatol sa kagaya ko 


"ewan ko ba dyan kay vee, gusto ko nga ligawan ayaw naman nya"  pang aasar ni lance nako naman layuan nyo kong dalawa!!!


"nako paasa ka rin kasi, sasaktan mo lang ako" sabi ko bigla namang naging seryoso yung mukha nya


"eh paano kung seryoso ako?" naka titig na tanong nya sakin, tumaas naman ang balahibo ko


"sira mag tigil ka nga dyan! tara na nga nagugutom na ako may klase pa ako mamayang hapon" nag lakad na ako ng mabilis pa cafeteria.


after namin kumain, sumama na sakin si jennie kasi nga may klase pa kami. si jennie yung naging bestfriend ko here sa college, sya kasi yung una kong nakatabi kaya wala syang choice hahaha. 


pagdating namin sa room halos lahat ng classmate namin andon na, may 10 mins pa naman bago dumating yung prof kaya nag ccp lang ako habang nag aantay


"pero seryoso nga vee paano kung seryoso talaga sayo si lance?" nagulat naman ako sa banat nitong babaitang to


"pare parehas lang naman yan si jen, sa una kukunin loob mo pag nahulog ka ikaw kawawa" sabi ko sa kanya, ilang beses na akong napaglaruan ng lalaki porke ba pusong babae lang ako. kaya ko rin namang mag mahal


"eh paano kung iba sya," pilit nya 


"eh paano kung parehas lang?" sabi ko naman


"eh pano mo nga malalaman kung di mo susubukan? ayaw mo ba ng may makaksama ka?" tanong nya napaisip naman ako sa sinabi nya


"alam mo te, wag mo ng pakielaman yung lovelife ko, ikaw ba kamusta? sino na naman binusted mo?" tanong ko, marami kasing nanliligaw dito pero ewan ko bakit wala syang sinasagot


"ay nako teh, alam mo naman sagot ko dyan, wala akong pake sa kanila, hanggat di ako nakakaramdam ng iba, parehas lang naman kasi sila lahat ng banat eh" sagot nya


"eh gaga ka pala eh, pag ako kaylangan itry? ikaw hindi? ano pinag kaiba mo sakin?" nakairap kong sagot sa kanya


"ay oo nga no! hahaha ang ganda kasi natin ang hirap tuloy mag decide" ay shuta talaga tong babaeng to


natapos na yung klase namin, at bago ako umuwi dumadaan talaga ako sa office para macheck kung wala na ba akong nakalimutan, si jennie eh nauna na at may gathering raw sa kanila ngayon kaya hinayaan ko sya usually  kasi sabay kami umuwe since iisang village lang kami


bago ako pumasok naririnig ko ng mag nag uusap sa loob kaya kumatok na lang muna ako bago ako pumasok, ng marinig kong nag salita si lance ng pasok lang. pumasok na ako


pag pasok ko, nakaitingin silang dalawa sakin, si lance at yung kausap nya. sino kaya to ang tangkad nya at ang puti nya. mukha syang baby, baby ko char hahaha ang gwapo nya bes! ikaw na ba to? ikaw na ba yan the one?


"hoy vee natatakot na sayo si danerie makatitig ka dyan" ay shuta ka! nakakahiya ka vee!!!!


"siraulo!" sabi ko at dali dali akong pumanta sa sa desk ko para ayusin yung kalat at tama nga ako andito pa ang charger ko kaya dali dali kong kinuha at nung palabas na ako tinawag ako ni lance


"ganun lang yun vee? aalis ka na lang di ka man lang magpapakilala dito" sabi nya kaya bumalik ako.


"im sorry, im vee one of the writers here" sabi ko inabot ko yung kamay ko kay baby boy at tinanggap nya naman napaka lambot naman po ng kamay mo ser!!


"uh hi! danerie pala pero wise na lang," sabi nya habang nakangiti, ay shuta ka ser! nakakatunaw naman yang ngiting yan! 


"sya pala yung bago nating photographer vee, diba ggraduate na si paul kaya need natin ng bago." sabi ni lance napatango naman ako, oo nga pala ggraduate na nga pala si kuya paul


"ano pala course mo?" tanong ko dito para naman alam ko diba


"uh I.T, parehas kami ni lance" tumango naman ako


"bakit? pupuntahan mo don no? " pangaasar ni lance


"loko, masama bang itanong kahit kelan ka talaga" 


nag paalam na ako sa kanila baka masapak ko na pag mumukha non ni lance eh.


Danerie, Wise... why do i feel like this? kakakita ko lang sayo pero bakit ganto agad tama mo sakin. eto ba yung love at first sight? ayokong umasa masasaktan na naman ako. 


you are something wise, sana maging close kiita.



My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now