Part 3

410 20 1
                                    

VEE's POV

natapos na ang klase ko at andito ako ngayon sa cafeteria kasama si jennie, kumakain lang kaming dalawa 


"grabe ka naman vee malay mo naman malinis yan, kainin mo na nalanta na yung fries oh diba favorite mo yan?" sabi ni jennie, tinignan ko yung fries lanta na nga, pano ba naman kasi di ko naman alam kung sino nag bigay nito tapos kakainin ko lang basta basta baka mamaya kung ano pa meron sa pagkain na to


"ayoko nga natatakot ako, baka mamaya kung ano meron dyan" sabi ko sa kanya


"may idea ka ba kung sino? ganda mo talaga teh! may pa secret admirer na" pang aasar nya sakin, actually partly masaya ako kasi may nag eeffort ng ganto sakin pero syempre nakakalungkot lang din ganun nya ba ako kinakahiya kaya nag tatago sya


"actually meron" 

*pppfttt

"APAKA BABOY MO JENNIE TARAGIS KA!!!" aba taranta tong gagang to, nabuga ba naman yung tubig buti na lang di sa mukha ko 


"sorry teh! nabigla naman kasi ako sa sinabi mo, so may idea ka nga? sino??" aligagang tanong nya


"di ko alam ayoko muna sabihin baka mamaya mali naman ako tapos baka pagkalat mo pa isa ka pa naman sa mga marites" sabi ko sa kanya, ayoko lang talaga mag salita baka mamaya may nakakrinig samin tapos ipagkalat pa diba, kaya wag na lang


"grabe ka sakin parang di naman bestfriend yan" saka sya ngumuso hahaha ang cute mo sarap mo tirisin


"kilala mo na yun" yun lang sinabi ko lumaki na agad ang ngiti sa labi nya


"seryoso?" tanong nya


"oo teh, nung nakuha ko kasi yan andon lang sya sa area tapos nung nag tama yung tingin namin bigla sya umiwas kaya medyo duda na ako don pa lang" paliwanag ko sa kanya, tumango tango naman sya


"saka sabi ni danerie nakita nya daw wallpaper ako sa don sa isang spare phone" lumaki naman ang mata ni tanga


"seryoso? gagi edi confirm na sya nga!!!! hala vee. sabi na eh tama ako! sya talaga ang para sayo. ayaw mo pa kasi maniwala sakin eh" seryosong sabi nya


"hmmmm. eh kung sya nga, papahintuin ko na sya" sabi ko 


" bakit? sasagutin mo na agad?" naguguluhan nyang tanong


"hindi, ayoko lang maging unfair sa kanya, may iba kasi akong gusto" sabi ko sa kanya kung kanina malaki na mata nya lalo namang lumaki ngayon


"haaaa! sino ? bat di ko kilala" nagulat nyang tanong, tinitigan ko lang sya sa mata kasi ayokong sabihin kung sino


akmang magsasalita pa sya para mangulit uli pero biglang lumapit sa pwesto namin si danerie


My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now